CHAPTER 33

2.9M 81.2K 56.4K
                                    

DEIB'S POV

Katatapos lang ng isang klase namin at wala na namang Lec. Tumambay kami sa Batibot habang si Lee ay bumili sa Canteen.

"Ano ba yan! Walang klase."

"Sus kunyari ka pang ayaw mo e gustong gusto mo naman!"

"Hahaha! Gusto ko dahil nakakapagod rin mag-isip. Pero kung ganyan naman ang makikita mo. Ayoko na rin."

Nakita ko si Taguro. Naglalakad kasama si Parrot. Mukhang papunta silang Library.

"Hi Deib."

"Oh Liel?"

Humawak siya sa braso ko.

"Ano yan?"

"Wala naman."

"Edi bitawan mo ko. Alis!"

"Wait."

"Yun yung kaaway mo di ba?" nakangusong turo niya kay Taguro.

"Oh e ano naman sa'yo?"

"Sshh. Wag ka namang ganyan sa'kin." malanding sabi niya.

"Look. Hindi ako interesado at wag ka ngang dikit ng dikit sa'kin! Hind kita type! Alis!"

Parang nagulat siya kaya naman nagmadali siyang umalis.

Pinagpag ko pa yung damit ko nung makita ko siyang umalis. Napatingin naman ako kay Tob na natatawa pa.

"Anong nakakatawa?" inis na tanong ko sa kanya.

"Grabe para kang magnet hahahaha! Dinidikitan ka talaga ng chicks dre."

"Tch! Yung si Liel lang naman ang dumidikit sa'kin ng ganon! Napakalandi. Shhk! Badtrip! Humawa pa sa'kin yung pabango nga!" pinagpag ko ng pinagpag yung sleeve ng polo uniform ko.

"Hahahaha. Grabe dumikit e."

"Badtrip! Ang tapang pa naman. Oh." pinaamoy ko pa sa kanya.

"Babaeng babae. Hehehehe."

"Tch!"

Kinuwa ko ang perfume ko sa bag at nagspray sa sleeve.

"Oo grabe! At alam mo daw ba ang isinagot kay Mr. Ciufan? Na Teacher lang daw niya si Mr. Ciufan! Parang sinasabi daw ng student na binabayaran lang daw niya si Mr. Ciufan para turuan sila!"

"Talaga?"

"Oo. At ang sabi ni Mr. Ciufan ay inaawat na daw ng pilit ni Migz, yun bang Presidente ng Council? Aba e ayaw daw magpaawat nung dalawang bata! Mga bastos daw talagang tunay!"

"Aba Diyos ko. Ganyan ba naituro sa kanila sa SIS at ganyan ang pag-uugali nila?"

"Aba malamang sa malamang ay ganon nga siguro!"

"Naku wag lamang silang mapupunta sa klase ko at naku!"

Nagkatinginan naman kami ni Tob.

"Narinig mo yun?"

"Sila Taguro yata ang tinutukoy nila." si Tob.

Napatingin ulit ako don sa dinaanan nila Taguro nung papunta silang Lib pero wala na sila. Napaisip naman ako kung bakit ganon ang sinasabi nung mga Lec sa kanila?

HE'S INTO HER Season 1Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon