CHAPTER SEVEN

5M 104K 88.4K
                                    

MIGZ'S POV

BASE SA nakita ko ay si Deib Lohr Enrile ang mali. Hindi ko alam kung paanong nagsimula ang gulo nila. Sa nadinig at nasaksihan ko kasi kanina ay mukhang hindi na iyon ang unang beses na paghaharap nila. Kilala siyang bully kaya hindi na ako magtataka. Bilang presidente ng council ay wala dapat akong kinakampihan. Mahirap gawin 'yon sa sitwasyon kanina. Sa t'wing sangkot ang Enrile na 'yon ay natatakot din ako.

"Sino ba kasi 'yong lokong 'yon?" ani Naih. Nakapalibot lahat ng kaibigan ko kay Max na nakaupo lang sa mesa.

"Campus bully," nakangiwing ani BJ.

Naupo ako at bumuntong-hininga. "Kilala sila dito sa school. 'Yong lolo ng mga 'yon ay pare-parehong stockholders ng BIS. Great grandfather naman ni Deib Lohr Enrile ang may pinakamalaking share, bukod sa lolo niya si dean," paliwanag ko. "Kilala ang pamilya nila sa buong Laguna."

"Varsity rin sila ng BIS basketball team," ani Michiko.

"Crush ng halos lahat ng girls...and gays," nakangising ani BJ.

"Ah, so pa-F4 effect lang?" ani Naih na ang tinutukoy ay iyong mga bida usong TV drama series ngayon. "'Yong mga sikat at siga sa campus? Mayayaman at lahat ng gusto ay ibinibigay ng mga magulang? 'Yong kapag walang magawa ay nang-aaway? 'Sus! Ang boring ng buhay nila! Kulang sa pansin." Sinulyapan niya nang masamang tingin ang grupo nina Deib. "May mga hitsura at matatangkad nga, ang papayat naman. Naku!"

"Ayos ka lang ba?" tanong ko kay Max. Tumango lang siya. "Ako na ang humihingi ng sorry, ang pangit ng approach ng school namin sa inyo."

"Sanay na 'yan sa ganiyan," nakangising ani Naih. "Punong-puno ng action ang buhay niyan."

"Puntahan na lang natin si dean, magsumbong tayo," suhestiyon ko.

"'Wag na, ayos lang ako. Baka lumaki lang ang gulo," seryosong ani Max.

"Saka hindi naman siya ang natumba, 'di ba?" natatawang ani Naih. Nakita namin ang ilan sa mga nangyari kanina at aawat na sana ako nang pigilan niya ako. Tatawa-tawa pa nga niyang pinanood kung paanong nagkasagutan sina Max at Deib Lohr.

"Ikaw lang ang nakapagpatumba kay Deib Lohr Enrile, Max," ani Michiko. Tumango kaming dalawa ni BJ.

"Hahaha, astig!" nakipag-apir si Naih sa kaibigan.

"Hindi ko siya itinumba, lampa talaga siya," ani Max saka bumuntong-hininga.

Ang seryoso talaga ni bakla, hindi pwedeng ngumiti?

Matapos naming mag-lunch ay bumalik agad kami sa klase. Hindi ko mapigilang humanga kina Max at Naih, kasisimula pa lang ng klase pero nakikita ko nang may ibubuga sila. Marami namang estudyante dito sa BIS na matatalino talaga. Ang kaso ay lamang iyong mga sikat, magaganda, mayayaman, loko-loko at talentado. Hindi naman sa mahihina ang ulo pero hindi kasingtatalino ng dalawang ito. Ako man ay aminadong tamad sa pag-aaral. Pumapasok lang ako para walang masabi ang parents ko. Mas gusto ko pa ngang gumala sa labas ng bansa, o mag-shopping. Kumanta nang kumanta magdamag.

Sa ilang magkakasunod na subjects ay nangunguna sina Max at Naih sa recitation. Wala ni isang tanong na hindi nila nasasagot. Kaya hindi lang kami ang bumilib. Lalo pa at parang laro lang kay Naih ang karamihan, tatawa-tawa pa siya sa t'wing makakasagot. Habang si Max naman ay hindi pa rin nagbabago ang reaksyon. Nakakabilib.

"Agripa," nangibabaw ang tinig ni Mr. Faller matapos ang ikatlong klase. Ito ang head ng BIS sports club. "Follow me on my office."

"Yes, sir." Nagpaalam ako sandali sa mga kaibigan ko saka sumunod.

HE'S INTO HER Season 1Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon