CHAPTER 75

3.9M 90.3K 188K
                                    

MAX'S POV

HIndi ko alam kung nabastusan sa akin si Sensui dahil hindi ko na siya pinatapos magsalita at nilayasan ko na siya agad.

'Kakaiba na kasi masyado ang reaksyon niya, kung anu-ano tuloy ang pumapasok sa isip ko.'

Hindi ko alam kung tama ang nakikita ko pero napapansin kong naiilang siya sa akin, siguro dahil nga dati kaming magkaaway at biglang pinapakitaan ko siya nang ganon.

'Sabagay, ultimong si Naih at nabibigla sa ginagawa ko. Ayoko lang talagang magkaron ng utang na loob. Baka isumbat niya pa'ng dahil sa presentation na yun ay bumagsak siya sa quiz. Tss.'

Binilisan ko ng umuwi dahil habang nagmamaneho ay hikab na ako ng hikab sa pagod at antok.

Pagkauwi ko galing sa bahay nila Deib ay dumeretso na ako pauwi. Nadatnan ko sa bahay sika Beka at Boy, kumakain sila ng fries kasama si Naih.

"Oh? Bakit ngayon ka lang bakla?" tanong sa akin ni Boy.

"Dinaanan niya pa kasi si Sensui hehehe." panunukso ni Naih.

"Sino yun?" si Beka.

"Secret!" pang-aasar ni Naih. "Oh? Anong nangyari?"

"Hinatid ko yung notebook. Anong ginagawa niyo dito?" baling ko sa dalawang bakla. Wala na akong balak ikwento kung ano pa mang napag-usapan namin ni Sensui. Hindi ko ugaling magkwento talaga.

"Galit?" biro ni Beka, nginitian ko naman siya.

"Nakilamon ang mga gutom na bakla." si Boy. "Pagpasensyahan mo na muna at may mga kaibigan kang shutay tomjones."

"Okay lang. Nabusog naman ba kayo?" tanong ko. Umupa ako sa sofa at isinandal ang likod ko, nananakit na e.

"Naman bakla! Solb na solb!" malakas na sabi niya. Hindi ko naman siya sinagot. "E salamat nga pala ulit ah? At saka pasensya narin kasi, kayo na lang lagi ang takbuhan ng mga bakla kapag walang majomon."

Iniangat ko ang ulo ko at saka tumingin sa kanila.

"May problema na naman ba kayo sa boss niyo?" tanong ko

"Hindi naman na bago yun, alam mo namang alipin ang labas ng mga bakla."

"Walang paglamon doon! Panay gutom! Hukom-bitay ang amo ng mga baka!" sabat ni Beka.

"Oo nga, kaya pasensya na kung kayo ang takbuhan ng mga bakla ah? Nahihiya man kami sa inyo dahil alam naming wala rin kayo, pero kasi tatlong araw nang nagtitiis ang mga bakla. Jusko! Halos araw araw minamigraine ako sa gutom!" si Boy.

Natawa naman kami ni Naih.

"Wala namang problema sa amin yun." si Naih. "Kahit araw-araw kayong kumain dito ay okay lang."

"Talaga?" si Beka.

"Oo naman, hindi naman namin nauubos ang pagkain namin."

"Nakakahiya naman yun!" si Boy.

"Ano namang nakakahiya don? Nagugutom ka na at lahat uunahin mo pa ba naman ang hiya mo? At saka isa pa, hindi naman na kayo iba sa amin. Subok at garantisado na namin kayo kaya naman okay lang yun hahaha!"

Nakinig lang ako sa usapan nila.

"Max sure kayong okay lang?" tanong sa akin ni Boy. Tumingin naman ako sa kanya.

"Oo naman, bakit naman hindi? Okay na okay lang." nakangiting sabi ko sa kanila.

"E kasi aware naman ang mga baklang kapos rin kayo kaya hiyang hiya talaga kami. Kanina lang kasi talagang gutom na gutom kami ni Beka kaya naman inabangan na namin kayo diyan sa labas."

HE'S INTO HER Season 1Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon