CHAPTER 64

3.7M 90.1K 87.9K
                                    

DEIB'S POV

Good morning Thursday!

Dumeretso agad ako sa salamin para tignan ang mukha ko.

"Tsk! Bawas pogi points na naman Deib!"

Badtrip!

May pasa pa rin ang mukha ko at may black eye pa rin ang mata ko!

Pero ayaw ko ng umabsent! Kailangan ko ng pumasok!

'Tch. Hindi naman mababawasan ang tagahanga ko ng dahil lang dito. Hehehehe! Okay lang yan Deib, at na kay Kim lang ang atensyon ko.'

Pumasok na ako sa washroom at saka naligo.

Maya maya pa ay bumaba na akong nakauniform at dumeretso sa kitchen.

"Oh? Tanghali ka na yata ngayon?" si Manang.

"Ahh. Kasi po ay wala kaming practice ng basketball dahil sa akin."

"Mabuti naman kung ganon. Oh kumain ka na. Patingin nga ng mukha mo?" hinawakan ako ni Manang sa baba at parang ininspeksyon ang mukha ko. "Tsk tsk! Ang gwapo'ng mukha ng alaga ko nabangasan!"

"Haha! Ang tanong Manang e, nabawasan po ba?"

"Hindi nga, pero nadumihan."

"Edi parang sinabi mo na rin Manang na pumangit ako?"

"Hindi naman. O siya siya kumain ka na diyan."

"Sabayan mona po ako Manang. Si Noona po?"

"Maaga siyang umalis, may duty daw siya."

"Ahh ganon po ba? Kumain po bago umalis?"

"Oo naman. Yun pa?" hindi ako agad nakasagot sa kanya, sinimulan ko na kasing kumain. "Si Maxi pala ang nagdala sa iyo sa ospital?"

"O-Opo Manang."

"Siya rin daw ang tumulong sa iyong makalusot doon sa mga bumugbog sa iyo?"

"O-Opo Manang. Bakit po?"

"Naikwento lang ni Dein. Kung gayon pala ay, mukhang hindi basta basta'ng babae ang nakabangga mo Deib?"

"Paano po'ng hindi basta basta Manang?"

"Kung ang mga lalaking yun ay walang takot kang binugbog ay natakot naman sa kanya. Siguro, dapat mo ring katakutan siya."

Napatingin ako kay Manang, seryoso siya.

"Hindi ko maintindihan Manang."

Huminto siya sa pagsubo at tumingin sa akin.

"Kilala kang tao Deib, alam ng buong Laguna na Apo ka ng isa sa pinakamayamang tao sa bansa, pero ang mga lalaking bumugbog sa iyo ay walang takot kang dinayo sa mismong teritoryo mo at doon ka pa mismo sinaktan." seryosong sabi ni Manang, unti-unti ko namang naintindihan ang sinasabi niya habang napapalunok ako. "Kung sila ay walang takot kang binugbog, at kung si Maxi ay kinatakuta nila, baka kako dapat mo ring katakutan siya."

Hindi ko pinahalata kay Manang pero, napaisip talaga ako. Nakuha ko ang ibig niyang sabihin, at aaminin ko, medyo kinabahan ako.

Hindi ako nakasagot agad sa kanya.

"Hindi naman kita tinatakot iho pero, sa tingin ko hindi naman masama kung mag-iingat ka hindi ba?"

"Opo Manang."

HE'S INTO HER Season 1Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon