CHAPTER 72

3.6M 88.7K 211K
                                    

KIM'S POV

Nakalabas na kami sa Guidance Office, binigyan ng punishment si Max at Choco, si Deib naman thank God at wala.

"Seryoso? Sinuntok niya si Choco?" I asked.

"Oo." si Tob.

"My God! Hindi niya ba naiisip kung anong pwedeng gawin sa kanya ni Choco?"

"Yun na nga e."

"She doesn't know him." si Lee.

Hindi na ako nakapagsalita, hindi ako makapaniwala dun sa mga narinig ko kanina sa office. Ang tapang ni Max. Ang lakas ng loob niya. Ewan ko lang kung anong gagawin niya kapag ginantihan siya ni Choco! The reason why hindi siya maalis alis dito dahil ultimong Daddy niya at notorious! Kaya nga ganon nalang ang behavior nun e!

'Haaayss enough na! She deserve it, masyado kasi siyang mayabang!'

But I noticed something, Deib's acting weird today. He's staring at me but his eyes looks different, parang ang lungkot? Alam mo yun? Hindi kasi siya dating ganon eh. Usually, whenever he looks at me, parang may glow sa mata niya, this time it's really different. I'm afraid tuloy na baka I did something that offended him, or I have said something na hindi niya gusto.

Sumabay ako sa kanila hanggang sa makarating kami sa gitna ng quadrangle. Nag-uusap si Lee at Tob while Deib's not.

'I need to break his silence!'

Sakto namang huminto sa pag-uusap yung dalawa, so I decided to talk to my cousin.

"Uhm Lee, nakuha mo ba yung gift ng Mom mo?" I asked smiling.

"Yeah."

"I see, did you like it?" nakangiting tanong ko sa kanya at saka ako bumaling kay Deib. "His Mom kasi and my Mom went shopping in Hongkong, pinadalhan siya ng package."

"Oh you didn't tell him?" tanong ni Lee na nakaturo pa kay Deib.

"H-Ha? What do you mean?"

"Aren't you talking to him last night?"

"H-Ha?" gulat na tanong ko. Hindi ko alam na nakita pala ako ni Lee na may kausap sa phone kagabi.

"Ahh forget it. I thought you were talking to him last night, I heard you mentioning the package when you were on the phone. I was about to say goodbye to you before I left last night, but I saw you're busy talking so I decided to leave without saying goodbye. I thought it was him you're talking to." seryosong sabi niya habang nakaturo kay Deib.

Napatingin agad ako kay Deib, walang nagbago sa reaction niya and it's making me nervous. Hindi siya ganito kasi!

"A-Ahh that, I was talking to Ayii."

"I see. I thought it was him."

"No." I said. I really don't know what to say. Hindi inaalis sa akin ni Deib ang tingin niya at parang nakatingin lang siya sa akin as if hindi niya ako kilala. Parang pinag-aaralan niya ang reactions ko, kaya naman sinubukan kong ibahin ang usapan. "N-Nagsnack na kayo?" tanong ko kay Deib.

"Yes." maikling sagot ni Deib, nakatingin lang siya sa akin at hindi nagbabago ang reaksyon niya.

"Mmm sige papasok na ako, pumasok na rin kayo sa klase niyo baka ma-late kayo. Balitaan niyo na lang ako." sabi ko.

"Yeah. I'll see you later." si Lee.

"Bye Kim.." si Tob na kumakaway pa.

"Are you okay?" nakangiting tanong ko kay Deib nung makalayo ng konti sila Lee at Tob.

HE'S INTO HER Season 1Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon