CHAPTER 91

4.2M 94.7K 197K
                                    

MAX'S POV

Sinundan ko ng tingin sila Dein at Randall papalayo, pero bahagya naman akong nagulat ng pagbalik ng paningin ko kay Sensui ay nanlilisik ang mga mata niyang nakatingin sa akin.

'Ano na naman kayang problema sa akin neto?'

Hindi niya inaalis ang paningin niya sa akin at nananatili siyang nakatingin ng masama sa akin.

Nailang naman ako ng bahagya.

Kaya naman ibinaling ko kila Lee at Tob ang paningin ko, pilit ang mga ngiting isinukli nila sa akin. Kaya nginitian ko rin sila ng pilit.

"A-Ahh Max, tuloy ka muna hehe." pagbabasag ni Lee sa katahimikan, nginitian ko ulit siya.

"Hindi na, aalis na rin kasi ako. Kailangan ko pang pumasok sa trabaho ko." nakangiting sabi ko.

"Kahit magcoffee ka na lang muna." nakangiti pa ring sabi ni Lee.

"Oo nga naman Max. Nakaalis naman na ang Mommy at L-Lolo mo." sabat ni Tob. Nginitian ko naman sila pareho.

"Hin---"

"Iwan niyo muna kami."

Pinigilan ni Sensui ang sasabihin ko sana.

"Bakit?" takang tanong ni Lee kay Sensui.

"Just leave us alone, we will talk." seryoso namang sagot ni Sensui.

'What the hell is wrong with this person?'

Kitang kita sa mukha niyang galit siya dahil bukod sa talagang salubong ang kilay niya ay gumagalaw pa ang panga niya.

'Inano ko na naman kaya 'to?'

"Please." dagdag pa ni Sensui.

Kaya naman napapakamot ng ulo si Lee'ng nagpaalam sa akin, ganon rin si Tob.

"Pasok muna kami sa loob." si Tob.

"Sige." sagot ko.

"Mukhang hindi na makakapaghintay yung pag-uusapan niyo ni Deib. Sa loob muna kami." si Lee.

"Sige." nakangiting sagot ko sa kanya. Hinawakan pa ako ni Lee sa balikat at saka siya umalis. Sinundan ko naman siya ng tingin hanggang sa makapasok siya sa loob ng bahay, nung hindi ko na siya matanaw ay saka ako muling tumingin kay Sensui---

Mas naging salubong ang kilay niya at nanlilisik na ang mga matang nakatingin sa akin.

"May problema ka ba sa akin?" hindi ko na mapigilan ang sarili kong magtanong. "Kung makatingin ka parang may nagawa na naman akong masama sa iyo, may atraso ba ko saiyo?"

"Bakit hindi mo tanungin ang sarili mo?" seryoso masyadong sabi niya.

"Hindi ko kayang sagutin ng sarili ko kaya ikaw ang magsabi sa akin." inis pa ring sabi ko.

"Alam mo naman sigurong boyfriend ng kapatid ko si Randall?" madiin ang pagkakasabi niya. Bahagya akong nagulat kaya, hindi ako agad nakapagsalita.

"Mmm, alam ko." sagot ko nalang.

"Kanina pa siya hinahanap dito, bakit hindi mo man lang sinabing magkasama pala kayo? Nag-alala ang lahat dito kahahanap sa kanya!" halatang inis na sabi niya.

"Tss."

"Tch! Alam mo bang nakukunsensya na ako sa mga ginawa ko sa iyo noon? Naisip kong sana nag-isip muna ako bago kita gawan ng kalokohan! Naguiguilty ako dahil pakiramdam ko ako ang dahilan kung bakit mo dinaranas lahat ng yan ngayon! Kung bakit ang lahat ay galit sa iyo! Tingin ko ay ako ang dahilan kung bakit lahat nangyayari 'to! Pero sa ginawa mo ngayon, hindi ko na alam kung tama pa bang pagsisihan ko ang ginawa ko sa iyo noon!"

HE'S INTO HER Season 1Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon