CHAPTER 37

2.9M 77.8K 60.9K
                                    

MAX'S POV

"Max..." naririnig ko ang boses ni Naih habang inuuga ako. "Max, gising na. Papasok na tayo."

Inalis ko ang libro sa mukha ko at saka bumangon.

"Mm. Anong oras na ba?" wala sa sariling tanong ko saka napailing nang makitang nasa school kami.

"Math class na. Okay ka lang?" Napakapit ako kay Naih nung bigla akong makaramdam ng pagkahilo pagtayo ko. "Max, okay ka lang?"

"Okay ka lang?" si Migz.

"Anong nangyari sayo?" si Michiko.

"Okay lang. Na-out of balance lang ako,"sagot ko. Kinapa ni Naih ang noo ko pero umiwas ako. "Okay lang ako. Tara. Baka ma-late tayo," yaya ko sa kanila.

"Sigurado ka, ah?" si Naih. Kinindatan ko naman sya bilang sagot.

Dumeretso muna kami sa locker para kumuwa ng gamit. Nagsasalamin si Naih sa salamin na nakadikit sa pinto ng locker ko ng biglang humampas ang pinto niyon sa leeg ko.

"Max!" narinig ko ang pagtawag ni Naih ngunit sa lakas niyon ay napahiga ako sa sahig.

Namimilipit ako sa sobrang sakit, at sandaling nagpaikot-ikot. Pakiramdam ko ay nanginginig ang buong katawan ko. Kung saan pa may namamaga, doon iyon tumama.

"Tarantado ka ah!" narinig kong sigaw ni Naih.

"Choco, ano ba! Max! Max! Oh, my God, Max!" si Migz.

Hindi ko maidilat ang mga mata ko sa sobrang pamimilipit. Nagsimula nang umingay ang paligid ko. Pakiramdam ko ay hihimatayin na 'ko sa sakit. Hindi na maganda ang pakiramdam ko kanina pa, may nararamdaman nakong sakit dahil sa namamaga kong leeg. Tapos ngayon yun na naman ang tinamaan nya.

Gusto kong maiyak sa sakit.

"Max! Kausapin mo 'ko!" ani Naih. "Tulungan natin siyang tumayo."Naghuhurumintado siya.

Maluha-luha sa sakit kong tiningnan si Choco at ang dalawa pa niyang kasama.

"Ano bang ginawa ko sa 'yo?" seryosong tanong ko. Nahihirapan akong magsalita dahil wala na talaga akong boses pero pinilit ko dahil ayokong mas pagtawanan pa nila ako dahil sa boses ko.

"Aahh..." Nagpanggap si Choco na naiiyak."Tingnan niyo si Taguro...iiyak na."

"Aba, e tarantado ka pala, e!" sinugod sya ni Naih.

"Wag kang lalapit sakin kung ayaw mong madamay!" banta ni Choco dahilan para mapaatras uli siya. "Naiintindihan mo?"

"Migz, tumawag tayo ng Lecturer please? Baka kung anong gawin nila kay Max at Naih," rinig kong bulong ni Michiko.

"BJ wag mo silang iiwan, ha? Tatawag lang kami ng teachers," si Migz.

"Choco, please tigilan mo na," si BJ, pero siya nito pinansin. "Max, are you okay?"baling niya sa 'kin.

Nanatili kay Choco ang paningin ko. "Tinatanong kita nang maayos," hirap na hirap man ay sinikap kong magsalita. "Ano ba'ng ginawa ko sa 'yo?"

Lumapit sya sakin at hinawakan ako sa damit. "Ako ang siga sa campus na 'to at si Aimee lang naman ang prinsesa ko! Tanga ka ba?"

Hinang hina ako dahil maski ang magsalita ay inuubos ang lakas ko.

HE'S INTO HER Season 1Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon