CHAPTER 87

3.7M 97.3K 127K
                                    

MAX'S POV

Nagising ang diwa ko sa huni ng mga ibon na nakadapo sa labas ng bintana ng kwarto ko. Hindi ko agad iminulat ang mga mata ko, pinakinggan ko muna ang huni nila.

~FLASHBACK~

"Ipagkakatiwala namin si Zarnaih sa iyo pero ipangako mo sa amin Maxpein na hinding hindi na mauulit ang nangyaring yun." si Tito Nic.

"Hindi ko ho maipapangako Tito." mahinahong sagot ko.

"Ano?" galit na sigaw niya.

"Huy, ano bang sinasabi mo dyan?" si Naih. "Don't mind her Dad, she's crazy."

'Wow ah?'

"Aba e kung hindi naman pala niya kayang ipangakong hindi na mauulit sa iyo yan e para ke pa'ng iwanan ka namin sa kanya? Hindi na! Mag-empake ka't sasama ka sa amin!" sigaw ni Tito Nic. Napatungo naman ako.

"Dad! I've already told you, hinding hindi ako pababayaan nyan! I swear!"

"Then why can't she promise that this is not gonna happen again?"

"Kasi nga ho, aksidente ang nangyari sa kanya. Kaya hindi ko maipapangakong hindi na mangyayari ulit ang ganitong bagay Tito." sabat ko.

"What?" pumuputok ang ugat na sigaw niya.

"I told you Dad she's crazy! Huy umayos ka naman!" sabi ni Naih na kinulbit pa ako. Hinatid nila kami dito sa apartment. Wala kaming choice, kailangan niyang malaman ang bahay namin, kahit ayaw kong ipaalam.

'Lumiliit talaga ang mundo ko at dumadami ang kalaban! Tsk!'

"Maxpein iha, hindi ba't nag-usap na tayo tungkol dito?" sabat ni Tita.

"Tch, e nagbibiro lang naman kasi ho ako. Hindi niyo man lang masakyan."

"A-Anong biro dun tuleg?" inis na tanong ni Naih.

"Biro na sa akin yun." nakasimangot na sabi ko.

Nagbuntong-hininga naman si Tito at Tita.

"O siya siya! Wala na rin naman akong magagawa dahil magwawala si Zarnaih kapag sinama ko siya pabalik sa Cebu!" sigaw na naman ni Tito Nic. "But please." mahaba pang sabi niya. "Humanap naman sana kayo ng bahay na matino! Hindi yung ganitong..." tinignan ang kabuuan ng bahay na parang nandidiri. "Parang ang daming daga sa loob ng bahay na 'to Zarnaih! Paano kang nakakatagal sa bahay na ganito? You lived for two years here?"

"Marami naman ho kami." sagot ko.

"Ha? Sinong mga kasama niyo?" gulat na tanong nila Tito't Tita.

"Kami at ang mga daga." natatawang sagot ko.

"What?" si Tito.

"Oh my God." si Tita.

"Biro lang ho." sabi ko pa.

"Jusmiyo Maxpein iha, por favor."

"Gusto ko lang magpatawa Tita. Pero seryoso na ho, salamat at pumayag kayong sumama pa rin sa akin si Naih sa kabila ng nangyari sa kanya. Hindi ko man ho maipapangakong walang aksidenteng mangyayari sa amin, maipapangako ko naman hong hindi ko siya pababayaan. Kahit anong mangyari." nakangiting sabi ko na nakapagpabuntong-hininga na naman sa kanilang dalawa.

"Oh Dad, dagdag dagdag sa allowance ahh? Si Maxpein naman ang kasama ko e." biro ni Naih.

"Walang problema iha."

HE'S INTO HER Season 1Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon