CHAPTER 58

3.2M 80.8K 156K
                                    

NAIH'S POV

Canteen.

"Ang tagal naman ni Max!" si Migz.

"Oo nga e. Akyatin ko na kaya?" nag-aalalang tanong ko.

"Naku, floor pa naman nila Deib yun." si BJ.

"E ano naman?"

"Baka hinarang pa siya."

"Akala ko ba okay na sila?" si Michiko. "Baka hinarang siya para magkumustahan sila hehe."

"Baka naman napaano na yun. Teka aakyatin ko na----"

"Oh my God!"

"Waa!"

"Huhu ang gwapo nya!"

"Oh my God what is he doing here?"

"Haven't you heard the issue? He's married."

"For real?"

"Yes. And you're not gonna believe who his wife is."

"Oh! Who?"

"TA-GU-RO!"

"What?"

"No!"

"Huy!" si Maxwell na kinakatok ako sa noo. "Anong nangyari sa iyo?" natatawang tanong niya. Sobrang gwapo niya kasi ngayon, as in super! Naka-scrub suit na dark blue at may white gown na suot.

"Wala pa si Max e." sabi ko sa kanya.

"Nasaan siya?"

"Pupuntahan ko pa nga lang sana e dumating ka naman. Iwan muna kita dito. Susunduin ko lang siya---"

"Oh eto na pala si Mrs. del Valle e. Ya!" sigaw ni Migz.

Napasilip ako sa Entrance at nandoon nga si Max.

"Max, ang tagal mo naman?" alalang tanong ko. Pero hindi niya ako pinansin.

Dumeretso siya kay BJ.

"BJ."

"Oh?"

"Nasan yung listahan mo ng players?"

"Eto." nilabas yung papel. "Bakit?"

"Patingin." sabay kuha nung listahan.

'Anong trip yan? Tingin tinginan ng pangalan?'

"Sino itong Melissa Baylon?" tanong niya.

"Ahh si Ysay. Siya ang Captain ng Baseball team, mukha siyang LOSER pero mgaling yan. Magaling pumalo, asintado at malayo."

"Halata nga." walang interes na sabi ni Max at inilapag ang papel sa harap ni BJ. "Salamat."

"Bakit mo naitanong teh?"

"Malalaman mo rin." nakangiting sabi niya kay BJ at saka bumaling sa akin. "Anong sinasabi mo kanina?"

"Sabi ko ang tagal mo. San ka ba nanggaling? Nag-alala ako e."

Ngumiti siya sa akin at pinisil pa ang pisngi ko.

HE'S INTO HER Season 1Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon