CHAPTER 68

3.6M 86.7K 82.9K
                                    

DEIB'S POV

I'm on my way back to the Gym right now. Naiinis ako na hindi ko maintindihan!

'Ano naman kaya ang ibig niyang sabihin sa anong nangyayari sa akin? May nangyari ba sa akin? Okay naman ako! Tch! Abnoy ka lang talaga!'

Nakasimangot akong pumasok sa Gym.

"Anong pinag-usapan nyo nila Max?" si Lee the hero.

Nagbuntong-hininga na muna ako.

"Pinakita niya sa amin ni Lolo yung kuwa nung CCTV sa parking lot nung time na sinapak siya."

"Oh? Edi kilala niya na?" si Tob.

"Hindi pa. Masyadong malabo yung kuha dahil malayo sila. Tapos naka-cap pa yung suspects. Sabi ni Taguro hindi rin daw pamilyar sa kanya yung mga yun."

"Eh paano yun?" sabay nilang tanong. Napatingin naman ako sa kanilang dalawa.

"Tinignan ko rin yung pictures, hindi ko rin sila kilala. Nakauniform nga sila ng BIS, ibang coat nga lang ang gamit. Mga naka-itim silang coat at mga naka-cap na red."

"Di ba ang sabi ni Max noon ay freshmen yung nangtrip sa kanya?" si Tob.

"Mukhang tama nga siya sa tingin ko." seryosong sabi ko.

"Bakit?" si Lee.

"Kasi, binanggit rin ni Taguro si Choco. Alam rin niyang hawak ni Choco ang mga frat dito. Kadalasan nang mga rinerecruit ni Choco ay yung mga freshman di ba?" tumingin lang silang dalawa sa akin at tumango. "Pero ang sabi ni Lolo ay hindi daw sapat na ebidensya ang mga yun. Lalo na kung ang basehan lang ay yung cap, pano nga naman kung nagkataon lang?"

"Oo nga." si Tob.

"E anong plano niyo?" si Lee.

'Bakit niyo? Siya lang!'

"Ang sabi niya ay kakausapin niya si Choco."

"What?" silang dalawa.

"Bahala siya sa buhay niya, sinabi ko nang samahan ko siya e masyado syang nagmatigas!"

"Edi samahan mo pa rin!" si Tob.

"Sa yabang nung taong yun sa tingin mo papayag yun?" sabi ko na iniiwas pa ang tingin ko sa kanila.

"Edi palihim natin siyang sundan?" nakangising sabi ni Lee.

"Tch! Bakit?"

"Kung ayaw niya nang kasama, edi sasamahan natin siya ng hindi niya alam. Magtatago tayo sa likod niya haha!"

'Hero talaga.'

"Kasi Deib, kilala mo naman si Choco, malakas ang topak nun at talagang nananakit nang babae! Sabagay, nasubukan na naman ni Max e hahahaha!" si Tob.

"Ang sabi niya pa ay hindi na daw siya makakayang saktan ulit ni Choco. Tch."

"Bakit daw?" silang dalawa.

"Kasi nga mayabang siya! Tch! Ang sabi naman ni Lolo ay willing siyang tulungan kam--siya. Tutulungan daw siya ni Lolo."

"Edi mas okay! At least ngayon kapag nalaman nilang alam ni Dean 'to e baka nga hindi na nila galawin si Max?" si Tob.

HE'S INTO HER Season 1Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon