CHAPTER 35

3.1M 81.4K 48.5K
                                    

NAIH'S POV

Bumangon ako matapos magising sa alarm clock. Kaunting stretching saka nag-toothbrush. Sarado pa rin ang pinto ng kwarto ni Max nang makalabas ako. Dinig ko rin ang ugong ng electric fan niya. Sigurado akong tulog pa siya.

Bumaba ako at binuksan ang radio. Nangiti ako nang pumailanlang ang isa sa paborito kong kanta.

Where will I be 365 days from now?

Tell me, how will I feel?

365 nights without you,

Oh, what would I do?

I remember what you used to say

Things won't tumble down

Now we're here,

And finally it changed

When I'm standing on the ground

I don't understand

When did we go wrong?

And I can't imagine...

Sinabayan ko ang kanta habang nagluluto. Hindi dahil nalilibang ako. Gusto ko lang talagang mag-ingay para kusang magising si Max.

Pero natapos na ako't lahat, naihanda ko na ang mesa, hindi pa rin siya bumababa. Wala akong nagawa kundi ang akyatin siya.

"Max?" kinatok ko ang kaniyang pinto. Walang tugon. "Papasok na 'ko!" sabi ko sabay bukas ng pinto. "'Oy, bangon na, male-late tayo."

"Mm?" ungkol lang ang isinagot niya.

"Bangon na, mag-a-alas siete na, Max."

Idinilat nya ang isang mata nya at saka tumingin sa orasan. Ngunit bumuntong-hininga siya at tumingin sa 'kin.

"Max," bigla ay lumapit ako. "Namumutla ka, ayos ka lang ba?" Gano'n na lang ang gulat ko nang madama ang init ng leeg at noo niya. "Naku, nilalagnat ka, ah?"

Ngunit awtomatimatiko siyang bumangon at uminom ng tubig. Dumeretso siya sa CR at nagsepilyo. Makikita kung paano niyang pinipilit ang sarili.

"Kaya mo bang pumasok?" nag-aalalang tugon ko. "Mataas ang lagnat mo. Um-absent ka na lang kaya muna? Baka kung mapaano ka." Hindi siya sumagot. "Hindi kaya dahil iyan doon sa ginawa ni Choco? Patingin nga ng leeg mo!"

Eksaktong nakayuko siya sa sink nang lumapit ako para tingnan ang kaniyang leeg. Natakot ako nang makitang hindi lang namumula iyon, halos mangitim na!

"Max, hindi na maganda 'to," sabi ko, nakatingin sa kaniya mula sa salamin. "Nangingitim at namamaga na ang leeg mo. Dadalhin kita sa ospital."

Iniiwas niya ang sarili. "Ayos lang ako," namamaos niyang tugon saka nauna papalabas.

"Ano'ng nangyari sa boses mo?"

"Kumain na tayo," nanguna siya palabas ng kwarto.

Nagmamadali akong sumunod sa kaniya pababa. "May lagnat ka, Max," asik ko. "Namamaga at nangingitim na ang leeg mo, pati boses mo ay apektado. Baka kung mapaano ka niyan kaya pumunta na tayo sa ospital."

"Nawawala talaga ang boses ko kapag nilalagnat,"bakas ang pilit niyang makapagsalita. "Kumain na tayo, nagugutom na 'ko."

Sumandok siya ng kanin at saka nilagyan ang aking plato. Lumagok siya ng kape sa muling tumingin sa 'kin. Hindi ko napigilang ipakita ang pag-aalala ko.

HE'S INTO HER Season 1Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon