CHAPTER 78

4.1M 92.8K 176K
                                    

MAX'S POV

Matapos yung diskusyunan ay mabilis na akong umalis nang Dean's Office. Lahat ng sama ng loob ko ay umaakyat na sa ulo ko. Hindi na magkasya yung inis sa katawan ko.

'Tsk, siguro pati yung inis, nakakataba! Ang taba taba ko na!'

"Psst! Wait!"

Huminto ako sa paglalakad at hindi na lumingon.

"Okay ka lang?" tanong ni Maxwell ng makalapit sa akin.

"Ikaw kaya hardcore-in ko ng ganon, magiging okay ka lang? Sapak you want?" asar ko sa kanya.

"Okay ka na nga hehehe." nakangising sabi niya na sumabay na sa akin sa paglalakad. "Hindi ko akalaing ganito pala inaabot mo dito sa BIS, bakit hindi mo sinasabi sa akin?" bakas sa tono ni Maxwell ang pag-aalala.

"May mangyayari ba kung sasabihin ko sa iyo?" mayabang na tanong ko. "Pinanganak nang may sapak sa ulo yung mga tao'ng yun, hindi mababago yun kapag sinabi ko sa iyo."

"Tsk, buong akala ko ay yung pananapak lang sa iyo at yung pagpalo sa ulo mo ang nangyari sa iyo dito. Ang dami pala! Ano yung narinig ko? Bubble gum ba yun?"

"Tss."

"Kaya siguro naging ganyan ang buhok mo no? Hahahaha!"

"Bilisan mo na dyan, kailangan tayo ni Naih."

"Chill ka lang, magiging okay rin siya."

"Kailangan niyang maging okay, dahil kapag hindi sisirain ko buhay nung Ysay na yun!" galit na namang sabi ko.

"Paano mo nga pala nalamang may Bipolar siya?"

"Inalam ko syempre."

"Paano?" parang hindi naniniwalang tanong niya.

"Wag mo kong tignan ng ganyan at wag ka ng magtanong."

"Okay if you say so." mahinang sabi niya. Maaaring medyo nalessen ang inis at galit ko pero hindi na mawawala yun.

Pagbalik namin sa ospital ay ganon pa rin ang lagay ni Naih kaya muli akong nagalit.

"Ano? Ganyan na lang yan? Wala kayong gagawin?" malakas na sigaw ko habang nakaturo kay Naih. "Ang sabi mo kanina ay pwedeng maglead sa ibang complications? E bakit hindi niyo pa simulan ang operasyon?"

"Max. Calm down. Kung nandito lang sana ang parents ni Naih ay madali lang pero kasi---"

"Ganon? E kung may tagas pala ang katawan ni Naih kakailanganin niyo pa ng consent ng magulang bago hiwaan? Bakit pa tinawag na emergency room 'to?" inis na sigaw ko!

"Binigyan na po namin siya ng paunang lunas kaya hindi na po kayo dapat mag-alala." si Doc.

Nagpanting ang tenga ko.

"Hindi na dapat mag-alala. Wow! Anong milagro ang meron ka para sabihing hindi na ako dapat mag-alala? Hangga't nakikita kong nakahiga siya diyan at walang malay ay mag-aalala ako! Ikaw kaya ihiga ko diyan?" sigaw ko sa kanya at kita'ng kita ko naman ang pagkagulat niya.

"Pero kailangan niyo pong maintindihang meron po tayong mga patakarang kailangan munang pagdaanan at masunod bago simulan ang operasyon, kung may relative lang sana siya dito ay mas mapapadali po sana. Kaso po ay wala kaya sana po maintindihan niyo kaming mga Doctor." mahinahong sabi ng Doctor pero lalong uminit ang ulo ko.

d-.-b

'King inang.. Doktor na naman?'

"Gusto mong maintindihan kita? Intindihin kita?" ulit ko pa habang lumalapit sa kanya. "E kung ang pagiging pasyente ang ipaintindi ko sa iyo?" sigaw ko!

HE'S INTO HER Season 1Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon