CHAPTER 77

3.3M 89.1K 170K
                                    

DEIB'S POV

Sa ngayon ay wala akong ibang maramdaman kung hindi galit, puro tanong sa isip ko pero galit ang nangingibabaw sa nararamdaman ko.

Nag-aalala ako kay Kim, sobra! Sobra sobra. Hindi ko kayang tignan siya na walang malay. Lahat ng mga bagay na ginawa sa akin ni Taguro nabura. Napalitan lahat ng galit ang mga magagandang bagay na ginawa niya sa akin na konting konti na lang ay sobrang kabibiliban ko na sana.

Maaaring hindi ko man alam ang dahilan niya kung bakit ganon na lang ang galit niya pero, kahit gaano pa man katindi aing galit na yun.

Hindi sapat 'yon para saktan niya si Kimeniah nang ganito.

"Hindi ko siya mapapatawad, hinding hindi ko siya mapapatawad!" sigaw ko sa loob nang kotse ni Lee habang yakap yakap ko si Kim papunta sa hospital. "Kim! Kim please wake up!" nag-aalalang sigaw ko habang katabi ko si Kim na walang malay.

"Deib calm down! Walang mangyayari kung ganyan ka dahil nag-aalala rin kami!" sigaw sa akin ni Lee. Gusto kong magalit pero alam kong bilang pinsan ni Kim ay nag-aalala rin siya kaya naman sinubukan kong kumalma at tinignan na lang si Kim. Mahigpit ang pagkakayakap ko sa kanya dahil sobra sobra talaga ang nararamdaman kong pag-aalala.

Pagdating sa BIS, yung dating doctor na sinigawan ko nung naconfine ako ang nandoon kaya naman siya na agad ang umasikaso sa amin.

"Nurse stretcher! Faster!" sigaw nang doctor pero sinalubong na kami ng guard na tinulungan pa kami kay Kim, kasunod naman nun ay ang nurse na may dalang stretcher. "What happened to the patient?" tanong sa amin nang doctor. "Check her Vital Signs." mabilis na sabi niya pa sa nurse.

"Doc, hinimatay po siya, tinulak po siya nang malakas at saka po hinimatay." si Lee.

"Napapadalas yata ang ganitong insidente sa loob ng BIS?" gulat na bungad niya, hindi naman namin siya pinansin dahil nag-aalala kami masyado kay Kim, lalo na ako.

Hindi ko nakita kung anong ginawa ni Taguro kay Kim, kasalukuyan akong nakaharap kay Ysay.

'Kung alam ko lang hindi ko na sana hinarap si Ysay, kung alam ko lang Kim, Sorry.'

"Sorry." naiusal ko, ramdam ko ang pagngilid nang luha ko sa mga mata ko. Nag-aalala ako masyado.

"Deib." nag-aalala ring tawag sa akin ni Tob na hinawakan pa ako sa balikat. "Ang gulo gulo! Ang gulo gulo nang nangyayari!" sigaw niya.

Doon ako muling nakaramdam nang matinding galit kay Taguro!.

"Kasalanan ni Taguro 'to! Mapapatay ko siya!" malakas na sabi ko.

"Sir doon na lang po kayo sa bench, sterile po ang area na 'to." sabi nang Nurse sa amin at wala naman kaming choice kung hindi ang sumunod sa kanya.

AN: *Ang 'Sterile Area' sa ER po na tinutukoy ko ay yung mismong 'AREA' or 'PART' kung saan nakalagay ang mga 'STERILE MATERIALS' nang doctor at nurse hehe. Hindi po 'ROOM' hehe. Mas madali kasing maiintindihan ng lahat kung "Sterile Area" ang gagamitin ko hehehe. Sa mga nasa medical field, pasensya na po. Sorry po talaga. Hope you don't mind. Thanks a looot! *hugs* d^_^b ♥ Pasensya na po. Salamat salamat! d^_^b *hugs* ♥

"Tinawagan ko si Keziah, parating na sila ni Ate Dein." biglang singit naman ni Lee sa amin.

Parepareho kaming nakatingin kay Kim at hindi mapakali kaiisip kung anong nangyayari. Bakit parang bigla biglaan lahat nang nangyayari sa paligid naming.

"Ano bang nangyari? Anong ginawa ni Taguro sa kanya?" nanggagalaiting tanong ko nang hindi man lang tumitingin sa dalawa.

"Tinulak siya nang malakas ni Max, nakatalikod ka kaya hindi mo nakita. Humampas si Kim sa upuan, malakas yun kaya nawalan siya nang malay." si Tob.

HE'S INTO HER Season 1Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon