CHAPTER SIXTEEN

3.1M 78.9K 20.1K
                                    

LEE'S POV

NAPAAGA ANG pagdating ko sa school. Kaya naman tumambay na muna ako sa parking lot, sa loob ng kotse ko, at nag-isip. Ilang araw na lang ang natitira pero wala pa rin akong mapiling makapareha sa party. Kailangan pa namang ipa-register ang pangalan ng bawat partners.

Napakaraming babaeng nakapaligid sa 'kin pero ni isa sa mga 'yon ay hindi ko mapili. Hindi ko tipo ang mga babaeng may simpleng ganda. Gusto ko ay iyong maganda talaga. Iyong maganda kapag simple, mas gumaganda pa kapag naayusan.

Ilang minuto pa akong nanatili sa kotse bago nagdesisyon na akong pumasok. "Excuse me, nahulog mo," nangibabaw ang pamilyar na tinig ni Max sa likuran ko. Iniaabot niya sa 'kin ang shades ko.

Bigla ay napangiti ako. "Thanks, Max."

Kinuha ko 'yon at muling ngumiti sa kaniya. Gusto kong magtaka kung bakit naro'n siya nang gano'n kaaga. Ako ay may practice ng basketball kaya maaga talaga akong pumapasok. Kataka-taka at kapansin-pansin din ang malaking bag na bitbit niya.

Ano kaya kung siya ang yayain ko sa party? Bigla na lang pumasok ang ideyang 'yon sa isip ko. Ngunit napaisip din ako kung paano ko gagawin 'yon.

Gusto kong mapahiya nang wala man lang magbago sa reaksyon niya. Asiwa akong napangiti nang bigla ay lampasan niya lang ako.

"Max," wala sa sariling paghabol ko. Huminto siya para lingunin ako, gano'n na lang ang kaba na naramdaman ko. Batid kong halatang may ilang ang ngiti ko.

Blangko pa rin ang mukha niya. "Bakit?" tanong niya dahilan para matinag ako sa pagkakatitig sa kaniya.

Pero lalo lang niyong dinagdagan ang kaba ko. "Ah..." Wala akong nasabi. Hindi ko alam kung paano siyang yayayaing maging kapareha ko sa party. Wala pa man, pakiramdam ko ay mapapahiya ako kapag tinanong ko siya. Iyon ay dahil sa blangkong hitsura niya. Halatang walang interes at naiinip nang maghintay sa kung ano ang aking sasabihin.

Napakaraming tanong at paraan na pumasok sa isip ko pero ni isa sa mga iyon ay hindi ko naisatinig. Napapalunok lang akong tumitig sa kaniya. "Are you going to the acquaintance party?" pilit ang ngiting tanong ko.

Sandaling nagsalubong ang mga kilay niya, nagtaka. "Yes," kaswal niyang tugon.

"Do you already have a date?" naiilang kong tanong.

"Date?" Nag-isip siya saka umiling. "No."

Napangiti ako. "Wala ka pang partner?" kumpirma ko.

Nagkibit-balikat siya. "I don't know," walang emosyong tugon. "Why?" pinagkunutan niya na naman ako ng noo.

Nameke ako ng tawa. "Wala pa kasi akong partner," napapakamot sa ulong sabi ko. Nag-iwas ako ng tingin at nang hindi ako makatanggap ng sagot ay muli ko siyang sinulyapan. Malayo na sa 'kin ang kaniyang paningin, nando'n na 'yon sa likuran ko.

"Siya," aniya na itinuturo ang likuran ko. "Siya ang yayain mo," dagdag niya.

Dahan-dahan akong lumingon sa likuran at nagulat nang makita ko si Parrot. Napangiwi ako at agad na nanlumo habang pinapanood itong maglakad papalapit sa gawi namin. Kakanta-kanta at mukhang hindi naramdaman ang aking presensya. Bukod kasi sa paligid ay kay Max lang natuon ang paningin niya.

"Max, mukhang uulan," anito. "Bad mood ka na naman kapag nagkataon." Ngumiwi si Parrot at saka ako nilingon. Tila nandiri siya matapos mapagtanto kung sino ako. "Tingnan mo nga naman ang pagkakataon, oh. Ikaw na naman?"

HE'S INTO HER Season 1Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon