CHAPTER 28

3.4M 83.8K 49.6K
                                    

MAX'S POV

"Thanks for today Maxwell!" ani Naih nang makauwi kami sa bahay.

"Yeah, anytime. I need to do this, too. Sumasakit ang ulo ko kaaaral. I have to go back to reality tomorrow," nakangiting sagot ni Maxwell.

"Thanks," sabi ko sa kanya.

"Basta ikaw," aniyang ginulo ang buhok ko. "Alam mong malakas ka sa 'kin."

"Tss. Sana next time, tatawag ka muna kay Naih bago ka pumunta."

"Ang korni e," si Naih.

"I will, sorry. Let's do this again next time. Nag-enjoy talaga ako. Thanks to you." Tiningnan kaming pareho ni Maxwell. "I have to go. Maaga ako tomorrow. I'll see you around."

"Ingat!" sabay naming sabi ni Naih.

Inihatid namin siya hanggang sa sasakyan niya at hinintay na makaalis bago kami muling pumasok. Naupo muna kami sa sofa at sumalampak na animong pagod na pagod.

"Grabe, wala naman tayong ginawa masyado pero parang pagod na pagod ako! Tsk!"

"Ako rin e," sabi ko habang nakatingin sa kisame.

"Bukas pala start na tayo sa The Barb," paalala niya. "Mas nakakapagod."

"Ikaw lang, e."

"Bakit na naman?"

"E hindi mo naman kailangang magtrabaho, inggitera ka lang talaga."

"Hahaha! Nakakabugnot kaya maiwan mag-isa dito sa bahay? Sala alam mo namang kung san ka, don rin ako, hehehe."

"Tss. Papagurin mo naman ang sarili mo."

"Okay lang, pagod naman tayo pareho."

Napangiti ako ng bahagya. Tulad ng sinabi ko ng una, hindi ko best friend si Naih. But she's the coolest person na kilala ko. Tunay na kaibigan sya para sakin, dahil hindi nya ako iniiwan at talagang maaasahan mo sa oras ng pangangailangan.

"Max?"

"Mm?"

"Pwede magtanong?"

Bumuntong-hininga ako. "Ano yun?"

"Hindi mo ba nami-miss ang family mo?"

Napatingin ako sa kanya. "Bakit mo naman naitanong yan?"

"Wala lang," nag-aalangan man ay ngumiti siya. "More than two years ka na kasing hindi umuuwi sa inyo."

"Sa loob naman ng two years na yun nakikita ko pa rin sila."

"Oo nga, pero iba pa rin yung nakakasama mo sila, syempre."

Sumandal ako sa sofa, inihiga ang ulo ko at saka tumitig sa pader. "Hindi na ako welcome sa bahay na tulad no'ng dati."

"Bakit? E, di ba okay naman kayo ng lahat? Ermats mo lang naman ang hindi mo kasundo, di ba?"

"Kung sa bahay ako uuwi, gabi-gabi makikita ko lang syang umiinom."

"Edi wag mong pansinin."

HE'S INTO HER Season 1Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon