CHAPTER 92

3.7M 92.4K 224K
                                    

DEIB'S POV

Hindi ko alam kung kanino ako magfofocus.

Sinusubukan kong magfocus kay Noona pero hindi ko maiwasang hindi tignan si Taguro. Masyadong madilim ang daan at mabibilis ang mga sasakyan. Konting hagip lang dyan paniguradong hahagis siya dyan.

'Tsk! Bakit naman kasi kailangang magdala pa ng sariling sasakyan kung pwede namang makisakay na lang? Bwisit!'

Napakabilis niyang magdrive at lahat iniiwasan. Hindi man lang makapaghintay sa nasa harapan niya. At parang namamalikmata lang ako sa signal niya sa sobrang bilis. Nakakainis!

"Huhu."

Bumalik lang ako sa wisyo nung bigla kong marinig ang paghagulgol ni Noona.

"N-Noona stop crying. I promise we'll find him---"

"Hindi naman yun e." umiiyak talagang sabi niya. "Hindi na yun ang ipinag-aalala ko."

"Eh ano!" takang tanong ko.

"Kung sinong kasama niya!"

Ang totoo ay naisip ko rin yun pero talagang nawala ang atensyon ko dahil sa hambog na si Taguro.

"Baka naman kaibigan niya---"

"Wala siyang kaibigang babae!" sigaw ni Noona. Pagtingin ko sa kanya ay galit na galit na naman siya.

"O-Okay, pero Noona, we know him hindi siya ganon."

"S-Sana nga Deib. Sana." humihikbi na namang sabi niya.

Hindi ko maintindihan kung bakit biglang kumabog na naman ang dibdib ko.

"W-Wag lang talaga siyang magpapahuli sa akin dahil hindi ko talaga alam ang gagawin ko sa kanya!" nanggigigil na namang sabi ni Noona. "Ngayon pa lang ang naiinis na talaga ako! Sa tagal ng relasyon namin ni Randall hindi ko man alam na may bahay siya dyan!"

Napalingon ako sa kanya nung marinig kong sabihin niya yun. Nagulat talaga ako pero kailangang magfocus sa pagmamaneho. Medyo may kalayuan na si Taguro sa akin kaya kailangan kong bilisan. Hindi ko agad nasagot si Noona dahil biglang lumiko si Taguro.

At pagliko ko, nakahinto siya sa gate at lumabas ang guard. Binuksan ko ang kotse ko at saka ako lumabas.

"Saan po sila Ma'am, Sir? Wala po kayong sticker ng Village namin." nakangiting sabi ng guard habang lumalabas sa guard house.

"Kapatid ako ni Maxwell del Valle." sagot ni Taguro.

'Dito rin siya nakatira?'

Nagulat ako nung marinig ko yun pero hindi ko na lang pinansin. Mamaya ko na lang siya tatanungin.

"Alam po ba niya na dadating kayo Ma'am?"

"Hindi. "

"Ay hindi po pwede ang ganon Ma'am."

"Ang pupuntahan kasi namin ay ang bahay ni Randall Echavez." mahinahong sagot ni Taguro.

"Inaasahan niya po ba ang pagdating niyo Ma'am?" tanong ulit ng guard na nagsuot pa ng salamin.

"Hindi rin."

'Engot! Hindi pa sinabing oo!'

"Kung ganong Ma'am---" hindi natapos nung guard ang sasabihin niya ng biglang bumaba si Taguro sa motor niya at ngumiti sa guard. "Ma'am Pein?"

HE'S INTO HER Season 1Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon