CHAPTER 86

4.5M 96.9K 165K
                                    

DEIB'S POV

Pagkauwi ng bahay ay dumeretso na si Noona sa kwarto niya, naiwan naman kami ni Manang sa sofa. Pareho kaming walang kibo at may iniisip.

'Hindi ko maintindihan kung ano bang mararamdaman ko sa iyo. Tsk! Masyado mo akong pinag-iisip!'

Sa dami ng tanong sa isip ko, parang konting konti na lang at mas marami na ugat ko kesa sa buhok ko. Tch! Masyadong misteryoso si Taguro at hindi ko na alam ngayon kung kilala ko ba talaga siya.

'Hindi Deib, hindi mo naman talaga siya kilala e. Hindi porke't alam mo ang pangalan niya at nakakasama mo siya ay kilala mo na siya.'

"Aissh! Ang gulo!" biglang naisigaw ko at nilingon na naman ako ni Manang.

"Ano ang magulo?"

Humarap ako sa kanya at bahagya pang tumitig.

'Kailangan ko talagang mailabas 'tong nasa isip ko, sumasakit na ulo ko e!'

"M-Manang, alam mo bang hindi ko inaasahan yung nangyari kanina sa lamay ni Tito Ramrenz?" mahinang sabi ko sa kanya.

"Aba e. Ang lahat naman ay hindi inaasahan ang nangyaring pagpanaw niya iho."

"Manang hindi yun! Hindi yung pagkamatay ni Tito ang tinutukoy ko."

"Aba e ang alin ba?"

"Yung kay Taguro." mahinang sigaw ko. Napasandal na naman ako sa sofa at parang nagmumukmok. "Galing siyang SIS, kaya naisip kong maaaring yun ang dahilan kaya siya dumalaw sa lamay, pero yung ginawa nila ni Randall ang hindi ko inaasahan Manang. Nakakagulat! Tch!" sabi kong hindi pa rin makapaniwala. "Ang sabi ni Tita Day, hindi pa daw kumakain si Randall, hindi pa nagpapahinga at hindi pa po umiiyak. Tapos si Taguro lang makakapagpaiyak sa kanya? What the hell? Anong drama yun?" naiinis na tanong ko at napatingin ulit sa kanya.

"Hindi ba nabanggit sa iyo ni Taguro kung kaanu-ano siya ni Randall?"

"H-Hindi po. Hindi ko naman tinatanong. Malay ko bang magkakilala sila. Tch! Ang alam ko lang ay galing siya ng SIS pero 2 years ago pa yun. Kaya nagulat rin akong nakita ko siya kanina. Nabanggit ko naman po sa inyong suspended siya di ba? Hindi niyo naman nakita si Naih kaya hindi ko na babanggitin, pero kung nakita niyo po yung babaeng sinamahan ni Randall kay Tito, yun po si Parrot, yung naospital at 2 days natulog last week. "

"Ahh iyong magandang dalagita at mahaba ang buhok?"

"Oo Manang."

"Oh tapos?"

"E kasi Manang, hindi ko inaasahan na mangyayari yun. Na sa kanya lang pala iiyak si Randall. Ksi po, nung minsang pumunta dito si Lolo, nagkakwentuhan kami dyan sa tapat. Nabanggit niya sa aking nakikita daw niya sa katauhan ni Taguro ang Lolo ni Randall. Kaya napaisip naman ako, hindi kaya kapatid ni Randall si Taguro? Pero dahil sa nakita ko kanina Manang, ang lakas ng kutob ko. Anak sa labas si Taguro."

"Ano?" gulat na tanong ni Manang.

"Gulat ka rin po Manang no? Ako rin e. Sa dami nung nangyari kanina, pakiramdam ko tama ang kutob ko e."

"Dahil lang sinabi ng Lolo mo yun? Aba e paano kung nagkataon lang?"

"Paanong nagkataon po?"

"Kung nagkataon lang talagang nakikita ng Lolo mo sa kanya ang Lolo ni Randall? Hindi naman sapat yun para pag-isipan mo siyang anak siya sa labas ni Doktor Renz."

"Eh kasi Manang, ang lakas ng kutob ko e."

"E bakit hindi mo tanungin ang Ate mo?"

HE'S INTO HER Season 1Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon