CHAPTER 56

3.3M 82.8K 105K
                                    

DEIB'S POV

Nagising ako ng maaga! Hehe! Excited akong gumising, trip lang!

Mabilis akong kumilos at bumaba nung matapos.

"Good morning Manang! Si Noona?"

"Tulog pa. Late na siya nakauwi kagabi e. Ang aga mo naman?"

"Manang maaga na ang practice namin ng basketball starting this week. Napaaga kasi ng interhigh namin at nahati pa sa dalawa. Next month interhigh na agad."

"Ahh ganon ba? Huwag ka masyadong magpapagod kung ganon."

Ngumiti ako ng malaki kay Manang.

"Oo naman Manang!"

"Mukhang maganda gising mo ah?"

"Maganda rin tulog e. Hehe, kain na ako Manang ah?"

"Sige. Akala ko dahil excited kang pumasok."

"Mmm, ganon na rin Manang hehe."

"Kasi makikita mo na ang mga 'schoolmate' mo ano? Hehehe."

"Oh dahan dahan lang kasi sa pagsubo." natatawang sabi niya.

"Hehehe. Nasamid lang po."

'Nakakainis naman. Napapadalas ang pagpasok mo sa isip ko ah. Tsk!'

Nakakabadtrip! Simula kagabi si Taguro na, hanggang ngayon ba naman paggising siya pa rin? Anak ng, kailangan hindi kita makita ngayon! Hindi kita pwedeng makita!

'Eh ano naman kung makita ko siya? Hindi naman ako mamamatay kung makikita ko siya.'

"May praktis na nga rin pala sila! Badtrip!!" inis na sabi ko at ibinagsak ang spoon and fork.

"Ay kalabaw! Ano ka ba? Sumisigaw kang bigla bigla."

"Sorry Manang."

"Huwag mo kasi masyadong isipin para hindi ka nagkakaganyan haha." biro ni Manang. Hindi ko na siya sinagot at minadali ko na ang pagkain.

'Badtrip. Ayoko na yata magpraktis!'

Kinuha ko agad ang gamit ko at saka nagpaalam.

"Manang papasok na po ako, pakisabi na lang po kay Noona."

"O sige sige, mag-iingat ka ha. At balitaan mo ako pagkauwi." nakangiting sabi na naman ni Manang.

"Tungkol saan na naman Manang?"

"Sa pasok mo, saan pa ba? Sa mga 'schoolmate' mo?"

"Manang ah!"

"Oh bakit?"

"Parang may tukso po kasing kasama yung sinasabi niyo e."

"Wala naman."

"Sige po, sige po. Papasok na po ako, baka ma-late po ako e.. Hindi ako pwedeng ma-late."

"Sige, ingat."

"Salamat po."

Nagmadali na akong sumakay ng kotse ko.

HE'S INTO HER Season 1Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon