CHAPTER 62

3.1M 84.4K 104K
                                    

DEIB'S POV

Wala akong marinig na ingay sa paligid ko, ang tanging naririnig ko lang ay ang paulit ulit na tunog ng machine na hind ko alam kung ano. Sobrang tahimik na ultimong paghinga ko ay naririnig ko rin. Dahan dahan kong iginalaw ang kamay ko, nung maramdaman ko ang paggalaw nito ay saka ko dahan dahang iminulat ang mata ko.

'Nasaan ako?'

Mayroong kaunting ilaw na nagmumula sa paanan ko. Hindi ko maiangat ang ulo ko kaya naman hindi ko na magawang tignan. Tumingin ako sa dalawang gilid ng kama ko.

Sa kaliwa ko ay may table na pinapatungan ng prutas at mga tubig, saka ako tumingin sa kanan.

'Kim.'

Nakita ko si Kim na nakahiga sa sofa. Nakaladlad ang buhok nya at natutulog, napangiti ako bigla.

'Ang ganda niya.'

Unti-unting nawala ang ngiti sa mukha ko ng maramdaman ko ang sakit sa bandang tiyan ko at ganon na rin sa mukha ko, saka ko inalala ang nangyari.

'Alam niyo bang, hindi ako marunong mag-golf? Pero, gumagamit ako ng golf club, panghampas sa ulo ng mga taong ayaw sumagot sa akin. '

Ang mga sinabi ni Taguro nung mga oras na yun ang nakapagpalakas ng loob ko sa totoo lang, hindi ko alam kung bakit.

'Nung makita ko ang mukha niya, pakiramdam ko safe na ako.'

Saka ako tumingin sa kisame.

'Noon lang ako nakaramdam ng takot, takot na alam kong hindi ko agad malulusutan, takot na alam kong wala kasi akong ibang mapupuntahan. Nung makita ko si Tob na sinasakal habang tinututukan ng knife, ibang takot ang naramdaman ko. Hindi ko kilala yung mga taong yun at bigla na lang nila kaming sinugod ng hindi ko alam ang dahilan. Hindi ko naman naisip na mamamatay na ako, pero mas natakot ako sa pwedeng mangyari sa kaibigan ko.'

Pero bakit nga ba ganon na lang siya umasta sa harap nung mga taong kinatatakutan ko? Kung magsalita siya akala mo siya pa ang 'dapat' katakutan. Kahit pa sabihin mong malaki ang katawan niya, hindi siya dapat nagmamatapang ng ganon lalo na at may knife yung isa sa mga yun.

'Hambog talaga.'

Pero, naisip ko rin..

'Bakit parang nasindak rin sa kanya yung dalawang yun?'

"Deib?"

Hindi ako nakapagsalita, hindi ko rin maiangat ang ulo ko. Tumingin ako sa pinanggalingan ng boses, biglang bumukas ang ilaw at sobrang liwanag dahilan para iharang ko ng bahagya ang kamay ko sa mata ko.

"Deib, gising ka na?"

SI DEIN.

Lumapit siya sa akin at maluha luha ang mga mata niya, dahan dahan ko namang inalis ang oxygen sa mukha ko.

"Ano ba wag mong alisin baka--"

"Okay na ako. Si Tob?" agad na tanong ko.

"Pinauwi ko na siya para makapagpahinga siya ng maayos, alam mo naman ang grandparents nun. "

"Bakit mo pinauwi?" inis na tanong ko.

"Okay naman na siya Deib, wala nga siyang sugat. Panay galos lang at pasa---"

"Kahit na! Nabugbog rin si Tob! Hindi lang ako! Nagkataon lang na----"

"Ate Dein?" si Kim. Dali dali siyang bumangon at tumingin sa akin. "Deib! Deib gising ka na!"

Huminga ako ng malalim at saka ako tumingin sa kanya at ngumiti.

HE'S INTO HER Season 1Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon