CHAPTER 60

3M 87.4K 49K
                                    

DEIB'S POV

After ng class namin ay dumeretso agad kami sa locker room namin sa Gym dahil may practice kami ng basketball. Ewan ko pero parang wala ako sa mood na magpractice ngayon.Tsk! Imbes na maihahatid ko si Kim ay hindi ko tuloy siya maihahatid.

~♥ Kimeniah Calling. . .♥ ~

"Hello Kim?" masayang sagot ko.

"Oh Deib? Uuwi na ako ha? Hindi na ako makakadaan diyan sa Gym kasi ihahatid ako ni Ate, may duty kasi sila ni Ate Dein ngayon e. Nagmamadali rin siya."

"Ganon ba? O sige, ingat kayo ha? Text mo ako kapag nakauwi ka na tatawagan kita."

"Ako na lang tatawag hehehe."

"Heheheh sige sige. Pasensya na talaga ah? Gusto kitang ihatid araw araw kaso mapapagod ka masyado kung panonoorin mo pa ako."

"Oo nga e, gusto rin naman kitang panoorin kaso hindi rin pwede, alam mo namang napakabusy ko at masyado akong maraming paper works."

"Ang sipag mo kasi masyado e hehehe."

"Para naman sa future ko ito Deib."

"Aigoo! Haha!"

"Oh bakit? Haha!"

"Bakit hindi mo naman sinabing para pala sa akin yan?"

"Ha? Ano daw? Hahahaha!"

"Ako ang future mo di ba? Hahaha! Future boyfriend at future husband! Hahaha!"

"Ikaw talaga! Kahit kailan palabiro ka!"

"E sa biro ko nalang kasi nadadaan ang mga paglalambing ko sa iyo e. Kasi lagi naman biro sa iyo ang dating ng mga sinasabi ko." kunyaring nagtatampong sabi ko.

"Naku ah? Hahahaha! Ikaw talaga. Wag ka ngang ganyan sa akin. Sige baka pabiro rin kitang sagutin diyan hindi mo magustuhan! Hahahaha!"

Hindi ako nakasagot agad..

"Deib?"

"Ahh hehe. Nasan ka na niyan?" pag-iiba ko sa usapan, habang naglalakad palabas ng Gym, baka sakaling makita ko siya.

"Nandito na malapit sa parking lot."

'Lampas na siya.'

"Ahh ganon ba? Ingat kayo ni Kez ahh."

"Oo ikaw rin, mag-iingat ka mamaya pag-uwi mo, wag ka masyadong mabilis magdrive."

"Oo naman Basta para sa iyo, aayusin ko hehe."

"Ikaw talaga. O sige na sige na. Tatawagan nalang kita kapag nakauwi na ako, if ever nagprapractice kayo nun at hindi mo masagot, don na lang kita itetext."

"Talino talaga ng future ko. Sige sige hehehe."

"Bye Deib."

"Bye Kim."

At binaba niya na.

Hay. SARAP!

Parang ginanahan tuloy akong magpractice bigla hehe. Alam mo ba na minsan iniisip ko na lang na si Kim ang naghihintay sa akin sa bahay para ganahan ako sa ginagawa ko? Oo haha! Iniimagine kong asawa ko na siya hahaha. Pero hanggang sa ganon lang? Yun bang may naghihintay sa akin na Kim sa bahay at ipagpreprepare ako ng dinner? Astig di ba? Sarap siguro non hehe. Napakaganda at napakabait na asawa. Perfect for me.

HE'S INTO HER Season 1Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon