CHAPTER EIGHT

4.2M 96.1K 41K
                                    

MAX'S POV

"WHAT TOOK you so long?" bungad ni Maxwell nang makarating ako sa main gate. Nag-text siya kay Naih para makipagkita sa 'kin sa main gate. Sinabi niyang may ibibigay at sasabihing importante kaya agad akong pumunta.

"What do you want?" tamad kong tanong, iniiwas sa kaniya ang paningin ko.

"Take this." May iniaabot siyang paperbag. Base sa tatak ay mukhang cellphone ang laman.

Nakapamulsa ko lang siyang tiningnan saka ako bumuntong-hininga. "I don't want one. May klase pa 'ko, mauuna na 'ko," saka ko siya iniwan.

"Hey," humabol siya pero nagtuloy-tuloy na ako.

Hindi ko kailangan ng cellphone, ayaw ko ng cellphone. Wala akong kailangang tawagan. Kung meron man ay si Naih lang iyon, na nakakasama ko naman araw-araw.

Dumeretso na ako sa classroom pagkabalik. Pero pakiramdam ko ay nawalan na ako ng ganang makinig. Lumipad lang ang utak ko habang nasa klase, bagot na bagot sa kahihintay na mag-afternoon break.

"'Buti na lang at okay 'yong seatwork na ginawa natin, very good tayo," masayang ani Michiko.

"Kaya sumama ka sa 'min parati," inakbayan siya ni Naih. "'Wag kang mawawalan ng pag-asa, aral lang nang aral!"

Nilingon ko sila saka ako bumuntong-hininga at nag-iwas ng tingin. Napansin namin ni Naih ang pagiging mahina ni Michiko sa klase. Sa simpleng tanong ng lecturer ay grabe ang panginginig niya. Kung tutuusin ay nasa libro naman ang lahat ng sagot sa tanong, maaaring hindi lang siya nagbabasa. O kung hindi naman ay hindi niya naiintindihan ang binabasa. Kailangan niya lang ng kaunting focus pa, lahat naman ay dumaan sa gano'n.

"Oo na, nai-inspire ako sa inyo ni Max," ani Michiko saka itinago ang hawak na notebook.

"Okray, ah!" asik ni Migz. "Nandito rin ako, 'te! Pwede bang ako rin ay nakaka-inspire?"

Natawa sila. "Ikaw naman ang idol ko pagdating sa leadership, don't worry, Migz," bawi ni Michiko.

"'Tse!" kunyaring pagtataray ni Migz saka ako bahagyang tinapik. "Tulala ka na naman, 'te!"

"Tss." Nag-iwas ako ng tingin.

Hindi ako tulala, may nakaagaw lang sa atensyon ko. Si Siopao, at iyong dalawang abubot niya. Naglalakad paakyat sa building na siyang nasa mismong harapan namin ngayon.

Sinulyapan ng mga kasama ko ang tinitingnan ko. "'Sus! Si Lee ang tinitingnan mo, 'no?" nanunukso ang tinig ni Migz. Pinagkunutan ko siya ng noo. "Si Lee lang kasi ang may potensyal diyan na magustuhan mo."

"'Ayan na naman 'yong F3." Nakakaloko ang tawa ni Naih, naupo siya sa tabi ko. "Teka, si Lee 'yong Inglisero, 'di ba? Kung makapag-Ingles, akala mo ipinanganak sa labas." biro niya. "Parang kilalang-kilala ninyo talaga sila, ah? 'Sabagay, sila nga pala ang feeling F4 ng campus."

"Mababait naman kasi sila," nakangiting papuri ni Michiko.

Nilingon ko ang tatlo. "Sa anong paraan sila naging mabait?" dismayadong tanong ko.

"Oh, teka, ako na ang magkukwento," bumida si Migz. "Kay Tob tayo magsimula," namaywang siya.

"Ayusin mo, ah?" nakangiting ani Michiko, animong kinikilig pa.

HE'S INTO HER Season 1Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon