CHAPTER SIX

3.9M 103K 46.1K
                                    

                 

LEE'S POV

GULAT AKONG napalingon sa humarurot ng motor sa likuran ko. Kararating ko lang parking lot ng BIS at kasalukyang sinisigurong naka-lock ang pinto ng kotse ko. Hindi ko na tiningnan pa kung saan iyon nag-park, dumeretso na ako papasok sa campus.

Sa dami ng bumati sa 'kin ay kakatwang isipin na si Taguro ang hinahanap ko. Binuhay niya ang interes ko dahil sa paraan niya ng pakikitungo sa 'kin kahapon.

"Enemy spotted," ani Tob. Napangiti ako nang makitang si Taguro ang kaniyang tinutukoy.

Sinulyapan ko si Deib. Nakakatawa ang inis na mababasa mukha niya. Kunot na kunot ang noo, nakasimangot at nakangiwi ang mga labi.

"'Wag mo nang subukan na dumaan dito, Taguro," iritableng ani Deib Lohr.

"Ang sabi mo ceasefire na, Deib, 'wag kang talkshit, 'dre," tatawa-tawang ani Tob.

"I can't help it, Tob. Tch. She makes my blood boil."

"But where the hell is Michiko?"

Mag-isa si Taguro. Minasdan ko siyang maglakad papunta sa line at um-order ng bottled mineral water. Nakangiti kong inilingan ang kawalan niya ng reaksyon, gano'n na gano'n siya kahapon. Lalo akong napangiti nang maisip kong hindi lang siya sa 'kin gano'n.

Palibhasa'y sa daan lang nakatingin, mukhang hindi pansin ni Taguro ang presensya namin. Mula sa line ay hindi ko inalis ang tingin sa kaniya habang dumaraan sa harap namin. Pero gano'n na lang ang gulat ko nang biglang tumayo si Deib at akmang babatukan si Taguro. Ngunit mabilis na nahuli ni Taguro ang braso niya at ginamit iyon para ibalibag siya.

Sabay kaming napatayo ni Tob at gulat na napatitig kay Deib. "Bakit ka umiwas!" singhal niya. Sa kalokohang plano niya ay siya ang napunta sa sahig.

Agad na lumapit ang mga estudyante sa gawi namin. Ang ilan ay pasimpleng nagtatawanan habang ang karamihan ay lihim na sinasamaan ng tingin si Taguro.

"Tayo na agad, 'dre," mabilis na lumapit si Tob. "Ang daming nakatingin, nakakahiya. Ang pangit no'ng bagsak mo, 'dre," aniya saka tinulungan ang kaibigan namin.

"Bakit ka sabi umiwas!" singhal na naman ni Deib. "Hindi ka sasagot?" galit na aniya.

"Deib," awat ko pero hindi niya ako pinakinggan.

Nagulat na lang kami nang damputin ni Deib ang tray sa kabilang mesa. Akma na sana niyang ihahampas kay Taguro iyon nang pigilan siya ni Tob.

"What the hell, 'dre?" seryoso si Tob. "Tama na, okay?"

"'Wag kang makialam," banta ni Deib saka tinabig si Tob. Mabilis siyang lumapit kay Taguro at hinawakan ito sa damit na para bang isang lalaki. "Talagang kinakalaban mo 'ko, ano? Hindi mo ba ako kilala? Kayang-kaya kitang patalsikin dito!" inuga-uga niya pa si Taguro.

"Let her go, Deib!" pilit kong inaalis ang pagkakahawak ni Deib sa damit ni Taguro.

"Bakit ka umiwas!" sigaw ni Deib.

"Kung hindi ako iiwas ay tatamaan mo 'ko," malumanay na sagot ni Taguro dahilan para takang mapalingon ang karamihan sa kaniya at matawa. Kakatwa namang sa sitwasyong iyon ay wala pa rin siyang ekspresyon.

"What do you think of me, stupid? Syempre, tatamaan ka talaga!" angil ni Deib.

"Eh, ano rin ang akala mo sa 'kin, tanga? Malamang ay iiwasan talaga kita," malumanay ngunit may diin ang pananalita ni Taguro. Gusto kong humanga. "Bitiwan mo nga 'ko," angil niya saka walang kahirap-hirap na itinulak si Deib dahilan para muli itong matumba. "Tss. Lakas ng loob mong magsalita, eh, ikaw 'tong lampa."

HE'S INTO HER Season 1Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon