CHAPTER 52

3.3M 89.2K 66K
                                    

MAX'S POV

Nagising ako sa ingay ng bunganga ni Naih, mahina ang pandinig ko pero alam kong siya iyon. Hindi ako pwedeng magkamali. Dahan dahan kong iginalaw ang kamay ko para pakiramdaman ang sarili ko kung buhay pa ba talaga ako.

Nanaginip kasi ako ng isang panaginip na hindi ko matandaan. Pakiramdam ko nasa langit na tuloy ako.

"Maxwell! Maxwell gumalaw sya-- M-Max?" sigaw ni Naih at saka ko dahan dahang idinilat ang mga mata ko at tumingin sa kanya. "Max!"

"Max can you hear us?"

SI MAXWELL?

Nagpalipat lipat ang tingin niya kanilang dalawa.

"Ano? Okay ka lang? Anong nararamdaman mo?" tanong ni Maxwell.

"A-Ako! Ako! Ako Max? Sino ako? Sabihin mo sa akin, sino ako?"

"Hoy! Sumagot ka naman!"

Tinanggal ko ang oxygen niya at saka tumingin sa kanila.

"Nahuli niyo ba?" inis na tanong ko.

"Ang alin?" tanong ni Maxwell.

"Yung humampas sa akin!"

"Talagang yun pa iniisip mo? Tinatanong ka namin kung okay ka na?"

"Oo. Masakit lang ng konti ang ulo ko." inilibot ko ang paningin ko sa kabuuan ng kwarto.

'Nasa ospital ako?'

"Sinong nagdala sa akin dito?"

"Yung F3---Nakakainis ka kasi e!" umiiyak na sabi ni Naih.

"I-Inano kita?"

"Kung hindi ka kasi nagpaiwan pa doon edi sana hindi na nangyari sa iyo iyan!"

"E malay ko bang may gagawa nito sa akin dun--"

"Max." si Maxwell.

"Oh?"

"For once, sumeryoso ka naman."

"I am serious." sabi ko sa kanya at rinig kong nagbuntong-hininga siya. Pinilit kong tumayo pero "A-Argh!"

"Ano ba wag ka munang tumayo!" si Naih. Hinawakan ko ang ulo ko at nakapa ko ang bendang nandoon.

"Ano daw nangyari sa akin?" tanong ko kay Maxwell.

"Nag-collapse ka kanina."

"Hindi mo ba nakita kung sinong gumawa nun sa iyo?"

"Mmm, hindi. Sakto kasing pagharap ko, doon ako pinalo. Napapikit agad ako at namilipit sa sakit hanggang sa hindi ko na alam ang sumunod na nangyari."

"Bakit hindi mo sinabi sa akin na ganito pala ang inaabot mo sa school? Kakausapin ko ang Dean nyo buk---"

"Please. Hayaan mo na okay?"

"No---"

"I'm begging you."

He sighed.

"Okay, pero hindi na pwedeng maulit sayo ito. Understood?"

"Hindi na talaga pwede, dahil wala akong sasantohi---"

HE'S INTO HER Season 1Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon