CHAPTER 46

3M 81.6K 70.5K
                                    

MAX'S POV

Hindi pa kami tapos gumawa ng Presentation, pumasok kasi bigla sa kwarto ang Mommy ni Deib at nagyaya'ng mag-dinner. Actually nagugutom na rin ako e, pero kasi parang kukulangin kami sa oras dahil hindi ko akalaing ganon pala karami yun. As much as possible, pinapaikli ko at yung mga importante na lang ang nilalagay ko. At hindi alam ni Deib yun. Ang akala niya, lahat nang nakikita ko sa internet at libro ay inilalagay ko. Ang totoo ay gusto ko lang ring mabasa niya lahat ng nabasa ko para alam niya lahat ng alam ko tungkol doon, para kung sakali ay pareho kaming may maisagot. Kung mag-eeffort siya sa ginagawa namin.

"Kuya!"

May dalawang batang sumigaw nung pagkababa ni Deib sa hagdan, ako kasi ang huling bumaba kasunod ng Mommy niya. Yumakap silang pareho kay Deib at yumuko naman si Deib sa kanila at todo ngiti.

"Sige na Kuya Deib. Gusto kong maglaro e." sabi nung batang lalaki.

'Yun yung kasama niyang maglaro doon sa Game Zone sa Mall. yung napagkamalan ni Naih na anak niya haha!'

"E medyo busy kasi ako ngayon Nono e, may ginagawa ako para bukas. Importante yun at kailangan kong asikasuhin."

"Ganon ba Kuya? Edi pagkatapos mo na lang?"

"Hindi rin pwede Nono e, nagmamadali nga akong tapusin ang ginagawa ko ngayon kasi magrereview pa ako mamaya."

"Hala. nakakainis naman! Akala ko naman ay marami kang time ngayon Kuya, kaya nga ako excited na makapunta dito nang maaga kasi akala ko may free time ka huhu."

"Nono iho ano ka ba, nag-aaral ang Kuya Deib mo at hindi marami ang oras niya para maglaro." sabi ni Manang.

'Akalain mo nga namang ganito pala hitsura niya kapag bata ang kaharap, akala mo maski magsinungaling hindi kayang gawin. Tsk! Tsk! Tsk!'

Nakatingin lang ako sa kanya habang kinakausap niya yung isa sa dalawang bata. Kung tatanungin mo ako kung anong hitsura niya ngayon, burahin mo sa isip mo lahat ng ginawa niya sa akin nung mga nakaraang araw. Imagine-in mo ang isang matangkad na lalaki ang umupo sa harap ng dalawang bata. Para siyang isang napakabait na Kuya doon sa dalawang bata.

Nasa ganoon akong sitwasyon ng bigla akong hilahin ng Mommy niya.

"Dito tayo Maxi." nakangiting sabi niya.

"S-Sige ho."

'Gumamit ka kasi ng po at opo! Tsk!'

"I cooked Adobo and Chicken Fried Steak for dinner. For sure magugustohan mo ito." nakangiting sabi niya habang inaalalayan akong umupo. "Oh let's have dinner na, it's getting late!" tawag niya sa iba pa.

Pumunta agad sa dining table ang Daddy ni Deib pati na rin si Manang. Sumunod naman si Deib kasama yung dalawang bata, isang babae at isang lalaki. Katabi ko ang Mommy ni Deib na katabi ang Daddy niya. Kaharap ko si Deib na katabi yung dalawang bata at si Manang.

"Here. Eat a lot okay?" nakangiting sabi ng Mommy niya habang pinaglalagyan ako ng food sa plate ko. Sumunod naman ay binigyan niya rin ang iba.

*PRAY*

Susubo na sana ako ng gulat kong makita yung dalawang batang titig na titig sa akin.

Dahan dahan akong ngumiti sa kanila.

"A-Ahh. Si Ate Max nga pala, schoolmate ko.." pakilala sa akin ni Deib, ngumiti naman ako ng bongga sa kanila, pero hindi man lang nagbago ang reaksyon nila.

HE'S INTO HER Season 1Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon