CHAPTER NINE

4.4M 92.9K 104K
  • Dedicated kay Rhaeeza Ramos
                                    

                 

DEIB'S POV

MATAPOS ANG klase ay dumeretso kami ni Kim sa Pavilion mall. May nagustuhan daw siyang dress doon, at baka may available nang size niya ngayon.  Pero gano'n na lang ang gulat ko nang makita ang dress na gusto niya. Kulay pula 'yon na tube, na nasa isang metro yata ang taas mula sa tuhod. Gano'n kaiksi.

"'Ayan na 'yon?" tanong ko. Nakasimangot kong pinagmasdan ang damit. "Anong maganda d'yan? Damit ba 'yan? Tch." Nag-iwas ako ng tingin.

Nakanguso naman siyang nagpa-cute. "Magbe-blazer naman ako kapag isinuot ko 'to. I really want this, Deib."

"Maikli masiyado 'yan, Kim."

"Ganito ang uso, Deib, eh," nagpa-cute na naman siya. Halos lumambitin sa braso ko at nagpapadyak sa sahig.

"Eh, 'wag kang sumabay sa uso?"

"At huhubarin ko lang blazer kapag ikaw na kasama ko," pabulong niyang sabi.

Natigilan ako at napangiti. Pero hindi pa rin pwede. Tch! "Eh, pa'no 'yong legs mo? Lahat yata ay makikita sa 'yo kapag isinuot mo 'yan, nagdamit ka pa? Tch."

Nagbulungan sa tuwa ang mga nakakita at nakarinig sa usapan namin ni Kim.  Para kaming magkarelasyong nagtatalo. Gano'n kami ni Kim, natural na natural sa isa't isa.

"Please, Deib? Gusto ko talaga 'to," pamimilit ni Kim.

"Sige na," kunot-noong sabi ko saka dinala 'yon sa kahera para bayaran. "May gusto ka pa?"

Yumapos siya sa braso ko at nakangiting umiling. "I got a lot already, this one's enough to make me happy." Hindi niya na inalis ang tingin sa dress matapos niyon.

"Isusuot mo lang 'yan kapag ako ang kasama mo, okay?" paglilinaw ko.

Nakangiti siyang tumingala sa 'kin saka tumango. "Opo."

Sa paglalakad ay hindi mawala ang ngiti ni Kim habang nakatingin sa paperbag. Tuloy ay hindi niya namalayan nang bigla niyang hawakan ang kamay ko. Napahinto ako sa paglalakad, gano'n din siya. Nilingon niya ako, dahan-dahan ko namang itinaas ang kamay naming magkahawak.

"Kim," tumingin ako sa kaniya. "Ibig bang sabihin nito..."

Natawa siya at tinapik ako sa braso. "Hindi, ano ka ba!" saka kami sabay na natawa. "Masaya lang ako kasi nabili ko na ang gusto kong dress. Salamat, Deib Lohr."

"Tch, akala ko naman," ngumuso ako kunyari.

Yumakap siya sa braso ko. "Kaunting tiis na lang, please?"

Ngumiti ako. Malakas ang kutob kong bago kami magtapos ng high school ay sasagutin niya na ako. "Hindi naman ako nagmamadali," kompyansang sagot ko. "Parang tayo na rin naman." Ako naman ang humawak sa kamay niya.

"Kain na tayo?" anyaya niya.

"Kahit saan, basta susubuan mo ko."

Napangisi ako. Talaga naman, oh! "Oo ba, basta ikaw. Gusto mo inguya pa kita?"

"Kung pwede," biro niya.

Siya ang hinayaan kong pumili ng restaurant. Mula pagkapasok hanggang sa makaupo ay hindi niya pa rin maalis ang paningin sa paperbag. Natatawa ako dahil sinisilip niya pa ang dress sa loob niyon.

"This menu is making me starve," sabi ko habang nakatingin sa menu. Para maagaw ang atensyon niya.

"I want to have tenderloin, it looks delicious," aniya na mabilis pumili. Napaka-cute niya talaga. 

HE'S INTO HER Season 1Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon