CHAPTER 59

3.4M 128K 94.7K
                                    

MAX'S POV

Classroom.

Wala ako sa sarili sa sobrang pag-iisip, hindi ako gaanong nakakapakinig sa mga discussion ni Miss English, dahil walang ginawa ang isip ko kung hindi maglayag.

♫ ♪ 'Humayo ka, kaibigang Tom Sawyer.. Maglakbay kung saan mo man naisin!' ♪ ♫

'Tsk, may saltek na talaga ako.'

Ang totoo ay hindi ko na rin maintindihan ang mga nangyayari.

Sinusubukan kong pagkonekonektahin ang mga nalaman ko sa mga sinabi ni Naih, habang discussion ay napapatingin ako sa kanya pero panay pa rin ang sulat niya. Nahihiya naman ako kay Miss Obre (English Lecturer) dahil baka mahuli niya kami kung uusisain ko si Naih.

'Bakit kasi hindi ko pa tinanong kanina? Engot.'

Kanina kasi sa Canteen ay kinukwento niya yung tungkol kay Ysay pero hindi niya nakwento lahat. Kaya naman ngayon ay atat na atat akong matapos ang klase dahil tatanungin ko siya.

"Okay class say 'Ah'."

"Ahh." sabi naming lahat.

"Ahh!" ulit ni Miss.

"Ahh.." ulit naming lahat.

"That's how to pronounce 'awe'."

"Ha?"

"May word ba na ganon Miss?"

"Yes."

"Hindi po namin magets Miss." sabi ni BJ, kaya pumunta si Miss sa front at nagsulat sa white board.

"Here's the spelling class." sabi niya habang nagsusulat at sinulat niya ang'AWE'.

'Anak ng... may pa-Ahh Ahh pa.. Awe lang pala..'

Since nakikinig lang kami, hindi namin alam na 'AWE' pala yung sinasabi niya, lahat kami ay 'AHH' ang nasa isip.

"Awe is an overwhelming feeling of wonder or admiration, that's how you spell but 'Ahh' is how you pronounce it."

'The heck!'

Maarte kasi magsalita si Miss Obre, pero maganda siya at sobrang bait. Halos araw-araw ay pinupuri niya ang mga students para daw tumaas ang confidence. Kadalasan rin ay minomotivate niya kami para ganahan kaming makinig sa English Class niya.

"Now class, who knows the English word for 'kargadore'?" tanong ni Miss na nakataas pa ang marker. Kargador daw.

"Anyone class?"

Walang nagtaas ng kamay.

"Miss." sabi ko na nakataas ang kamay.

"Oh yes Miss del Valle?"

"Stevedore." sagot ko.

"Bwahahaha!"

"Pauso ito si Taguro."

"Bwahahaha! Mahusay!"

"May masabi lang."

"Class? Class. Sshhh, she's correct."

'Mga engot.'

Kaya naman napalingon sa akin si Naih.

HE'S INTO HER Season 1Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon