CHAPTER 44

2.9M 80.5K 64.1K
  • Dedicated kay Dinalyn Ibanez Reyes
                                    

MAX'S POV

Classroom.

"Hays grabe. Grabe ang inabot ng gulo niyo ni Deib ah!" si Migz. "Nakakaloka! Hindi ko akalaing aabot sa ganito!"

"Hindi naman kasi talaga kasalanan ni Max yun e. Bakit nga ba kasi hindi natin nakita kung sino'ng tumira Max ano?" si BJ. Hindi ko siya sinagot.

"Sino kaya may gawa nun?" si Michiko.

"Malamang magtatago yun. Takot lang nun kay Deib!" si Naih. "Ano nang plano mo ngayon?"

"May choice pa ba naman ako." sabi ko.

"Pano yan? Pano ka makakapagreview niyan? Umaga pa naman ang History!"

Nakakabadtrip! Kung hindi lang sana bukas agad yung parusa na ibinigay sa amin ni Dean, kakayanin kong gawin mag-isa yun. Pero kung ganyang bukas agad, hindi ko kakayanin yun! Magpapakabayani ako kung tatanggihan ko yung sinabi ni Deib.

"Ewan ko, sa ngayon ay hinihiling ko lang na sana pareho kaming pauwiin ng maaga ni Sensui."

"Sana nga! E mukhang ganado pa namang magturo si Miss ngayon!" sabi ni Migz at bumalik na sa table niya. Naiwan kaming dalawa ni Naih kaya naman humarap ako sa kanya.

"Pwede bang dumaan ka muna sa TB mamaya?" tanong ko sa kanya.

"Oo naman. Pero bakit?"

"Sabihin mo kila Barb at Jep yung changes sa sched natin."

"Oo nga pala ano?"

"Itanong mo sa kanya kung pwedeng mag-overtime tayo ng Friday at Saturday night tapos Sunday same schedule."

"O sige. Pero paano ka?"

"Pag-uusapan pa namin ni Sensui yung gagawin naming Presentation."

"Pano ka makakapag-aral nyan? Kailangan nating pumasa sa History."

Hindi na ako nagsalita. Naiinis rin ako pero wala na akong magagawa. Nandito na e. Naka-oo na ako kay Dean at mukhang wala rin naman akong lusot.

Maya maya pa ay dumating na rin ang Lec at nagklase. Matagal ang discussion at nakaiinip ang paghihintay na matapos 'yon. Sabay sabay naman kaming lima na pumunta sa harap ng library nang matapos.

"Bakit dito?" si Naih.

"Sinabi ko kay Lee na dito kami magkikita ni Sensui ngayon."

"Ahh, wala pa sila."

"Ayan na sila." si Michiko.

Sabay sabay kaming napatingin kila Lee na naglalakad na rin papalapit sa amin. As expected, umuusok na naman ang ilong ni Sensui.

"Susunduin ko pa ang prinsesa ko sa classroom nya kaya maghintay ka muna dito."

"Ano? Pinaghintay mo na nga kami paghihintayin mo pa ulit kam---" si Naih.

"Sige." sabi ko.

"Masyado kang maingay." sabi ni Deib kay Naih at saka naglakad papaakyat sa Building.

"Masyado naman siyang mayabang! Nako Max! Sana lang ay may matapos kayo diyan sa Presentation nyo! Malamang yayabangan ka lang magdamag niyan!" hindi ko na siya sinagot.

HE'S INTO HER Season 1Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon