CHAPTER 31

3.3M 81.5K 50.5K
                                    

DEIB'S POV

Nasa ganon kaming sitwasyon ng biglang lumapit samin si Chris. "Nice, nag-aaral. Nakakaabala ba ako?"

"Hindi, okay lang," si Lee.

"Wala kang klase?" si Tob.

"Wala. May meeting tayo."

"Ha? Bakit daw?" tanong ko.

"Ewan ko, pinapatawag daw tayo ni coach sa gym. Tara."

"Ngayon na ba?"

"Oo e."

Inayos lang namin ang mga gamit namin at sumabay na rin kami kay Chris papuntang gym.

Pero nagulat kami nung makita naming andaming tao sa loob ng gym. Naroon sa gitna si Migz at may hawak na mic. Sa tabi nya ay nakaupo si lolo.

Kinabahan ako bigla dahil hindi pa kami nagkakausap bagaman hinahanap daw niya ako kay noona.

"Team, dito tayo sa side na 'to," si Coach.

Sumunod kami sa kanya, kaming tatlo na lang pala ang kulang sa team pati si Chris dahil nandon na lahat ng team mates namin.

"Anong meron dyan?" tanong ko kay Remson. Habang nakaturo don sa maraming students sa harap nila Lolo, Reycie at Migz.

"Mga transferees yata yang mga yan e."

"Malamang! Mga naka-civilian e oh!" si Ivan.

"E baka may announcement sa kanila si Dean," si Remson.

"Baka ire-require na silang mag-uniform?"

"Baka. Pero napaaga naman yata? Dati rati, one month after pa mag-uniform ang mga transferees, second week pa lang e."

"Ewan."

"Okay, team. Regular na ang practice natin ngayon dahil napaaga ang interhigh natin."

"What?" ako ang unang nagreklamo.

"Hindi nga, Coach?" sumunod ang mga kasamahan ko.

"Bakit daw, coach?" dagdag ko pa.

Ibig sabihin kailangan na naming mag-focus, mas maaga ang pasok namin at hangga't maaari ay deretso uwi para mas mahaba ang pahinga.

"Madadagdagan ng 30 minutes ang practice nyo. Mas maaga kayong papasok, 6:30AM ang call time. Okay ba yun, Team?"

"Yes, Coach." Wala naman kaming magagawa kung hindi ang sumang-ayon.

Mas madalang ko ng makakasama si Kim. Sana parati syang manood ng practice namin.

"Deib Lohr!" tinig ni coach, wala sa sarili pa rin akong nag-iisip.

"Hoy, Deib! Kanina ka pa tinatawag ni coach, ano ba?" tinapik ako ni Tob.

Napalingon ako sa lahat. "Ha? Sorry. Ano daw yun?"

"Are you with us?" si Coach.

"Sorry, Coach."

"Okay ka lang ba, Enrile?"

HE'S INTO HER Season 1Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon