CHAPTER 24: ACQUAINTANCE PARTY

3.1M 86.9K 22.1K
  • Dedicated kay Hazel Joy Galicia
                                    

MAX'S POV

Maaga akong pumunta ng Party dahil maaga ang call time namin. Napakarami naming number kaya kailangan prepared rin ako. Kanina nakasalubong ko yung F3 at tulad ng dati wala na naman silang ginawa kundi gumawa ng eksena sa harap ko.

May sarili kaming table. Si Naih nasa table rin namin pati si Migz, ang alam ko si Michiko ay kasama yung F3 dahil kadate nya yung maingay. Mayamaya lang rin ay umalis na si Naih at sumunod sa table nila Michiko at nung F3 nung mabanggit ko sa kanyang nakasalubong ko na yung tatlo.

Kauupo ko lang sa table namin nang dumating si Naih. "Nice, sikat ka na!" sabi niya.

"Bakit naman?"

"Ikaw kaya ang sinisigawan kanina dun!"

"Oo nga naman Max, ang galing mo daw kase," si Aenna.

"Grabe yung sigaw ng crowd lalo na nung pinakilala ka ni baklang Migz!" si Jozh.

"Mas mapapasigaw sila mamaya for sure. Hindi kami nagkamaling ilagay ka sa gitna," si Johara.

"See? Kahit mga kagrupo mo proud sayo!" si Naih.

"Tss. Parang sasabog na ang ulo ko," biro ko. Nagtawanan naman kaming lahat.

"Magpapalit muna kami kasi sasayaw kami," si Aenna.

"Feeling nyo naman maisasayaw kayo nung special guest?" pang-aasar ni Belami, baklang member ng DT.

"Why not? Nothing is impossible! If it really is impossible then I'll make it possible! Tao lang rin yan, ano. Kung hindi nya ako yayayaing sumayaw edi ako ang magyayaya sa kanya. As easy as that, baby! Hahaha!"

"Sabagay, sanay ka namang napapahiya. Hahahah! Peace!"

"Tse! Tara na nga gurls! Bored lang yan si bakla kasi kahit tumambling sya ay hindi sya isasayaw ng lalaki!"

"Letse! Magpalit baro na nga kayo! Imbyerna!"

"Hahaha! Bye!"

Naiwan kami ni Naih sa table kasama ang iba pang member ng dance troupe.

"Hindi kayo pwedeng magpalit Max?" si Naih.

"Hindi e."

"Ang daya naman! Bakit daw?!"

"Sila lang yung pwede kasi 4th year na sila, kami na lang ang magpeperform mamaya, hindi na kasali yung tatlong yun."

"Ha? Edi lalo kang magiging bida nyan?" biro ni Naih.

Ngumiti lang ako. "Bakit nga pala nandito ka? Di ba kasama mo sila Sensui?" tanong ko.

"Nawala sa isip ko! Yun nga pala ang ipinunta ko dito!"Hinila nya ako at lumipat kami sa kabilang table.

"Alin?"

"Si Maxwell!" sigaw nya.

"Ah... Nagulat nga rin ako e."

"Anong ginagawa nya dito? Kasama natin sya kanina at hindi man lang nya nabanggit na sya ang special guest dito?"

"Oo nga, kaya nga nagulat rin ako."

"Sus! Kanina may nalalaman pa syang kesyo sayang daw at hindi man lang nya tayo makikitang nakadress! Tapos...nako! Hindi man lang nagsabi!"

HE'S INTO HER Season 1Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon