CHAPTER 47

2.9M 78.1K 64.4K
                                    

DEIB'S POV

"Deib." naririnig ko si Mom na tinatawag ako. "Deib anak." habang inuuga ako. "Deib."

Dahan dahan kong iminulat ang mata ko at kinusot pa ito sandali saka ako tumingin ng deretso sa kanya. Bumungad sa akin ang nakangiting mukha ni Mommy.

"M-Mommy."

"Gising na."

'Nakatulog ako? Amp!'

Dali-dali kong inilibot ang paningin ko ng makitang nakapatay ang PC at wala si Taguro doon. Bahagya pa akong tumingin sa likod ko pero wala rin siya. Tumayo ako at humarap kay Mommy.

"Si Taguro Mommy?"

"Taguro?"

"S-Si Max po pala."

"Bakit Taguro?"

"N-Nagkamali lang po hehe. Napanaginipan ko po kasi si Taguro ng Street Fighter."

"Ha? Ghost Fighter si Taguro anak?"

'Engot amp!'

"Ahh! Hahaha! Oo Mommy, hinuhuli lang kita kung tanda mo pa haha!" malakas na tawa ko.

"Oo naman! Pwede ba namang makalimutan ko yun! Hmmm mecha mecha!" kanta niya pa sa theme song ng Ghost Fighter.

"Hehehe! Yun nga Mommy. Si Max po?"

"Umalis na siya kanina pa."

'Nang hindi nagpapaalam sa akin? Bastos talaga!'

"Ang sabi niya sa akin ay gisingin daw kita after 30 minutes."

"Bakit daw po?"

"Magrereview ka pa daw kasi para sa Bio mo."

'Ano daw?'

"Ang sweet naman ng schoolmate mo, pinapagising ka pa after 30 minutes para makapagreview." sabi ni Mom na nakangiti ng nakakainsultong ngiti.

"Anong sweet don Mom?" inis na tanong ko.

"Kasi syempre hindi niya nakakalimutang kailangan mong magreview, di ba? At isa pa, hindi ka talaga niya ginising agad kasi alam nyang pagod ka."

'Bakit nga ba hindi ako ginising non?'

"Bibihira sa babae ang hinahayaang matulog ang lalaki. Haha! Gusto ng babae parating gising ang lalaki!"

Natigilan ako.

"Ganon ba yun Mom?"

"Oo naman. Ayaw namin ng tinutulugan kami no! Kayong mga boys pa naman antukin hihi."

'Bakit niya alam?'

"O siya siya. Doon ka na sa kwarto mo at magreview ka. Baka magalit ang schoolmate mo kapag hindi ka nakapagreview. Doon kita hahatiran ng snacks mo okay?"

Bakit ba kailangang may diin pa yung schoolmate? E schoolmate ko naman talaga yun! Amp!

'Tch! Kung alam mo lang Mom.'

Nagprint ako ng copy ko nung presentation at maya maya pa ay mabilis kong kinuwa ang gamit ko at....

Parang may nahulog na papel. Sinilip ko pero hindi ko na pinansin. Kailangan ko pang mag-aral. Pumasok ako sa kwarto ko at umupo sa study table ko. Pagbuklat ko pa lang nung libro, parang nanlulumo na ako...

HE'S INTO HER Season 1Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon