CHAPTER 84

4.3M 95.3K 224K
                                    

DEIB'S POV

Monday Sickness.

Nakakatamad bumangon. Nakakainis. Sa sobrang katamaran kong bumangon ay naumpog pa ako sa headboard ng kama ko dahilan para magising ako sa sakit.

"Damn it! Damn it!" sigaw ko.

Wala akong choice kung hindi ang bumangon.

Kinuha ko ang cellphone ko at hirap na hirap na tumingin don dahil nasisilaw ako.

'5:00am. Damn! Nakakatamad!'

Tumayo ako at nagstretching saka dumeretso sa CR ko at naligo...

Kaya naman pagbaba ko..

"Good morning brother!" bati sa akin ni Noona pero dinaanan ko lang siya, kaya naman nakasimangot siya pagbalik ko. "You okay? Ang sungit mo na naman."

Hindi ko pa rin siya pinansin at sinimulan ko ng kumain ng pancake.

"Magrice ka---"

"I'm not in the damn mood." inis na sabi ko sa kanya.

"Okay." napapalunok pang sabi niya. Saka naman lumabas si Manang galing sa kitchen.

"Oh, Deblor iho bihis ka na pala? May practice ka?" tanong ni Manang.

"He's not in the damn mood." panggagaya ni Noona sa sinabi ko pero hindi ko na rin siya niligon para tignan ng masama. Binilisan ko ang pagkain ko at saka tumayo.

"Papasok na ako." sabi ko at saka umalis.

"Anong nangyari don?" narinig ko pang tanong ni Manang.

"Ewan ko ba dun, Deadma na lang Manang hehehe! Basta ako masaya hehehe, ang saya ng date namin ni Randall kahapon Manang!" dinig kong kinikilig pang sigaw ni Dein.

"Ahh talaga? Sige nga't kwentuhan mo ako."

Inis akong sumakay ng kotse ko at saka nagdrive paalis.

Gym.

"Aga ah?" bati sa akin ni Tob pero hindi ko siya pinansin at saka ako dumeretso sa locker. "Hoy!" habol niya sa akin pero hindi ko pa rin siya pinansin.

"Enrile. Ang aga mo ah?" bati sa akin ni Coach, hindi ko rin pinansin.

"May mens yata ang bestfriend ko Coach hehe." biro ni Tob.

"Naku, wag niyong kakampihan mamaya sa practice yan ah? Labanan nating lahat haha!" si Chris.

"Pucha! Haha! Baka hindi pa rin tayo manalo!" si Ivan.

"Oo nga! Alam niyo namang kaya naging MVP yan, kasi lalong gumagaling kapag galit hahaha! Tuwing may laban at wala si Kim, galit! Haha!" si Remson.

Hindi ko sila pinansing lahat saka ako lumabas ng locker room.

"Hahaha!" rinig ko pang tawanan nila.

Sinalubong naman ako ni Lee pero...

Ang inaasahan ko ay babatiin niya ako at hindi ko rin sana siya papansinin pero siya mismo ay hindi ako pinansin.

'Anong problema nun?'

Hinabol ko siya ng tingin pero hindi niya man lang ako nilingon at nagderederetso pa siyang maglakad papasok sa locker room.

'Weird.'

Tulad ng dati ay nangalahati ang oras ng pratice dahil sa drills at nung natapos ay saka kami naglaro bilang pratice. At tulad ng sinabi nila, hindi sila nananalo sa akin.

HE'S INTO HER Season 1Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon