CHAPTER 74

4.4M 96.3K 160K
                                    

MAX'S POV

"Hangga't nakikita mo akong nakatayo, hindi mo kailangang makaramdam ng takot." bulong ko habang nakayakap sa kanya.

Ramdam ko ang bilis at lakas ng tibok ng puso niya pero hindi ko na pinansin yun dahil alam kong nagulat lang siya kaya siya nagkaganon.

Kung ako ang tatanungin ay hindi ko rin alam kung bakit ginawa ko yun.

'Maiba lang.'

Bumitaw ako mula sa pagkakayakap ko kay Deib.

Halata sa mukha niya ang pagkagulat at konting pitik na lang parang hihimatayin na siya.

'Wala ka sa palabas oy! wag kang umarte ng ganyan sa harap ko. Tss.'

"I d-dont know what to say." naiusal niya. Mahina pero rinig na rinig ko, masyado kaming malapit sa isa't isa kaya medyo lumayo ako.

"You don't have to say anything." seryosong sabi ko.

"A-Ahh." naiwan siyang nakanganga.

"Ha! Wag niyo sabihin sa aking may relasyon kayo?"

Sabay kaming napalingon sa likuran ko.

"Anak nang.. nandiyan ka pa rin?" inis na tanong ko kay Choco.

"Oo bakit?" mayabang na sagot niya.

"Hindi kita nakita e." pigil ang tawang sabi ko. "Bakit hindi ka pa rin umaalis?"

"Wala kang pakialam! Sagutin niyo ang tanong ko! May relasyon ba kayong dalawa?"

"Nagyakap lang may relasyon na?" inis na sagot ko.

"Oh e anong tawag mo diyan sa ginagawa niyo?"

'Ano nga bang tawag don?'

Napatingin ako kay Deib at nagkatinginan kami, bakas pa rin sa mukha niya ang pagkagulat. Nakaramdam naman ako ng inis dahil baka iba na ang dating sa kanya.

"Wag mo ng itanong dahil hindi mo naman maiintindihan." inis na sabi ko kay Choco.

"Puro yabang! Kung ganon, may itinatago pala kayong dalawa! Hahahahaha! Kaya pala ganon na lamang ang biglaang pagdidikit niyo e may relasyon kayo!"

Pareho kaming hindi nagsalita ni Deib.

"Ano na lang kaya ang mangyayari kapag pumutok sa Campus ang issue na 'to? Hahahaha! Malamang marami ang mandidiri! May nalalaman kayong away away! Tapos, tapos hahaha! Nakakadiri kayo! Grrrrr!" sabi niya na animong nanginginig pa.

Tumingin ako kay Deib at ganon pa rin ang reaksyon niya.

"Woi, okay ka lang?" tanong ko sa kanya.

"H-Ha?" parang gulat pa ring tanong niya. Bahagya naman akong natawa.

"Haha." mahinang tawa ko. "Anong nangyari sa iyo?"

"A-Anong nangyari sa akin? W-Walang nangyari sa akin!" medyo may kalakasang sabi niya.

"Shhh." sabi ko nalang at saka muling humarap kay Choco. "Umuwi ka na."

"Wag mo nga akong utusan!"

"Dadating ang panahon Choco na kusa kang yuyuko sa harap ko." nakangising sabi ko.

"Hoy! Hindi man kita kilala ngayon, pero dadating rin ang panahon na luluhod ka sa harap ko! Hindi mo kilala ang binangga mo----"

"Pwede ba?" inis na talagang sigaw ko sa kanya. "Manahimik ka na! Oo mayabang ako at hindi na bago sa pandinig ko yun! Wag mo ng paulit-ulitin dahil hindi lang ikaw ang nagsabi niyan! Saka ka na magsalita kapag kaharap na natin si Dean! Umalis na yung mga kasama mo at wala ka ng dahilan para manatili pa sa harap ko, umalis ka na bago pa magbago ang isip ko."

HE'S INTO HER Season 1Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon