CHAPTER 30

3.4M 89.5K 111K
                                    

DEIB''S POV

Nagkita kita kami nila Lee at Tob sa parking lot. Hinintay rin namin si Kim pero nauna na daw sya sa room nila.

Pagpasok pa lang namin sa school ay napansin agad namin ang grupo ng mga babaeng nagkumpulan at nakaharang sa daan.

Nakita ko kung paanong sinadyang tapunan ng juice ni Aimee si Taguro. Gusto ko sanang tumawa pero ayaw kong isipin ni Aimee na gagawin ko 'yon para sa kaniya.

"Oops! Sorry!" sarkastiko pa nitong sabi.

Nagtawanan ang mga kagrupo nito. "Kulang pa, Aimee. Sana sa mukha mo binuhos, hahaha!"

"Tama na yan! Kawawa naman kasi e!"

"Hahahaha! You're so bad! Look at her! Lalo tuloy syang nagmukhang basura!"

"Really? Parang wala ngang nagbago."

"Ano ba?" si Parrot. "Kelan ba kayo titigil, ha?"

"Wala talagang magawa 'tong mga 'to," si Lee na umastang lalapitan na naman sila Taguro.

Pero hinarangan ko sya. "Hayaan mo sila," sabi ko.

"Tsh! I'll help them."

"Not today, dre. Gusto kong makita kung paano sya mag-react kung ibang tao ang nangbu-bully sa kanya."

"What?"

"Just...please?" seryosong pakiusap ko sa kanya. Wala na syang nagawa kaya tumayo na lang sya at umarte na parang alalang-alala.

Tch. Hero talaga!

"Ano bang problema mo?" si Taguro. Seryoso sya at mukhang galit talaga.

"Ikaw..." Itinuro siya ni Aimee. "Ikaw ang problema ko."

"Sinadya mo"

"So what kung sindya ko?" sinugod siya ni Aimee. "May magagawa ka ba? Kung meron...ano? Sasapakin mo rin ako?"

"Ano bang problema mo sakin?"

"Do you really wanna know? Hahaha! Ikaw! At yang buong pagkatao mo." Dinuro-duro ni Aimee sa dibdib si Taguro. "Hindi ko matanggap na ang isang katulad mo ay nakapasok sa school na 'to. At bukod don, walang ginawang matino kung hindi manggulo."

Bahagyang ngumisi si Taguro, pero mukhang naaasar. "Hanggang ngayon ba naman buhay na buhay sayo yung mga yun?"

"At sinong hindi makakalimot? Binuhusan mo ako ng juice!"

"Binuhusan mo rin ako ng mango syrup pero ginawa ko ba sayo 'tong ginawa mo sakin? Tatanongin nga kita, ano bang napapala mo sa ginagawa mo sakin?"

Nakangiwing nag-isip si Aimee, nang-aasar. "I'm gaining praises? Hahaha!"

"What kind of praises?Aimee ang tapang mo? Aimee ang galing mo? Aimee ang cool mo?" Sinabi 'yon ni Taguro sa paraang ginagaya ang maaarteng pananalita ng mga students. Palihim akong natawa."To tell you honestly, if I were them," tumingin sya don sa mga nanonood. "I'll pity you."

HE'S INTO HER Season 1Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon