CHAPTER 25: ACQUAINTANCE PARTY

3.2M 84.7K 108K
  • Dedicated kay Jireh Faith Abaya
                                    

DEIB'S POV

Nakakailang sayaw na kami ni Kim at enjoy na enjoy naman ako. Nakakailang sayaw na rin sila Taguro at ayaw ko mang aminin, mas enjoy na enjoy ako kapapanood. Magaling talaga sila.

Siguro nga ay kailangan ko ng amining humahanga ako sa kanya sa pagsayaw nya kahit nakakainis. Pero paniguradong dahil lang yan sa madalang kasi akong makakita ng babaeng ganon kagaling sumayaw, hindi pa rin maalis nun ang pagkainis ko sa kanya dahil lamang lagi yun.

Ilang kanta na ang nakalipas at wala pa ring naisasayaw si Lee.

"Hoy hindi ka ba sasayaw?" si Tob.

"Wala namang maisayaw."

"Akala ko ba yung Parrot ang date mo?"

"Hindi na bumalik e."

"Edi puntahan mo," si Tob.

"No way! Sya 'tong umalis e. And besides, it's not as if I really want her to be my date," mahinang sabi nya para hindi marinig ni Michiko na nakatingin sa kumakanta.

"Tch! Ang dami daming chic oh! Kanina nung nandun kami ang daming nagtatanong sayo na babae, tanong mo pa si Tob."

"Oo nga."

"I don't want to dance with them. Kakain na lang ako.."

"Yuck, ang korni mo. O sige isayaw mo muna si Kim."

"Hmm," si Kim.

"Ang swerte naman nya at sya pa ang unang maisasayaw ko sa gabing to?" nakangiting sabi ni Lee.

Sakto naman at kakanta na ulit ang BIS band ng slow songs.

"Ayun, oh, 'sakto."

"Sayaw na kayo. Arte mo, Lee!"

"Tara na nga, Kim!" yaya ni Lee.

Natatawa man ay tinanggap ni Kim ang alok niya at nagpunta sila sa dance floor. Naging soft ang lightings at tahimik ng kaunti ang crowd.

Now Playing : Wonderful Tonight by Damage

Pinapanood ko silang sumayaw habang kumakain.

"Si Michiko baka gusto mo ring isayaw, dre?" inosenteng tanong ni Tob.

Napangiwi ako sa gulat ngunit agad ding bumawi. "Hindi sige okay lang, hehe. Nagugutom rin ako e."

"Sige, ako na lang." Tumayo sila at sumayaw.

Nice. Naiwan akong mag-isa at kumakain.

Pinapanood ko silang sumayaw ng bigla ko na namang mapansin sa di kalayuan si Taguro. Lumapit ang table nila samin. Halos katapat na.

Tsk! Badtrip!

Saktong sumusubo pa ako nung mapatingin sya sakin. At gusto kong mainis dahil blanko na naman ang mukha niya.

"Tch! Magaling ka ngang sumayaw, hindi ka naman pwedeng isayaw ngayon. Wala rin."

"Kasi dance troupe sya." Nagulat ako nang mabosesan ko si Migz. Narinig niya ang sinabi ko dahil gano'n ang sinabi niya.

"What are you doing here?" inis na tanong ko.

"'Sus! Alam mo kung gusto mong isayaw si Max ay pwede nam—"

"No way! Sinong gugustohing isayaw yun? Duh?"

HE'S INTO HER Season 1Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon