****

207 6 3
                                    

Matapos gumawa ng bonfire ay magkatabi kaming umupo sa harap at napapabuntong hiningang tumingin doon. Kakaunti lang ang tao sa resort dahil hindi pa peak season at tag init kaya mabilis kaming nakahanap ng kwarto. Hindi ganon kalaki pero kasya ang dalawang tao. Kahit ang resort na napili namin ay maliit lang, ikatlong resort iyon mula sa entrance ng Pagudpud at ang may pinaka-kaunting tao.

"Are you cold?" Tanong nya.

Umiling ako at sumulyap sakanya. Ibinaba nya ang apat na bote ng beer sa buhangin.
"Ikaw?"

Umiling rin sya.
Ilang sandali kaming natahimik.
Pareho lang nakatingin sa apoy.

Minsan lang akong makapag-bakasyon sa malayo simula nang tumuntong ako sa highschool at lalong sumikat si mama. Madalas sa mga bar at mall lang kasama ang mga kaibigan. Kaya kung iisipin, ito ang unang beses na lumabas ako sa Maynila na iba ang kasama.

Napalingon ako sakanya nang makarinig ako ng pagtalsik ng takip ng bote. Inabot nya iyon sa akin bago sya nagbukas ulit ng isa pa.

Malalim akong lumanghap ng hangin bago uminom sa bote.

Puting buhangin..

Malamig na hangin mula sa dagat at ugong ng alon na humahampas sa dalampasigan..

At si Gio na abala sa pagbukas ng beer sa tabi ko.

"Are you happy now? It's not 'too quiet' anymore." Lingon nya sa akin.

Tiningnan ko sya sa gilid ng mga mata at ngumisi,
"How about we add some noise?" Pasimple kong idinikit ang mabuhangin kong paa sa paa nya. "A noise coming from your mouth."

Inangat nya ang isa nyang kamay at hinaplos ang pisngi ko pero bigla akong napangiwi nang pisilin nya nang mariin ang pisngi ko,
"Or maybe from your mouth?"

Umangat ang dalawa kong kilay saka sya makahulugang tinitigan.

Mula sa mga mata nya pababa sa bibig at nanatili roon.

Inangat ko ang kamay ko at hinaplos ang pang ibaba nyang labi gamit ang hinlalaki.
"Then make me do some noises....using your mouth.."

Gumalaw ang lalamunan nya at natigil sa pag alis ng takip ng huling beer.
"Don't seduce me.." Dumukwang sya palapit sa akin at idinampi ang dila sa tenga ko. "I might fuck you nonstop tonight." Bulong nya

"You can do it? Ang huling naaalala ko, dalawang rounds lang ang kaya mo." Tudyo ko

Bahagya akong napaigtad nang mabilis nya akong nasakal sa leeg gamit ang kamay nya sa pisngi ko,
"Don't try me." Aniyang may mapanganib na kislap ang mga mata

Ngumisi ako bago lumayo sakanya nang may mga dumaang grupo ng mga babae.

Tumungga ako sa beer at humiga sa buhangin habang nakatukod ang dalawang siko.

"Gusto mo bang maligo?" Tanong ko

Umiling sya,
"I'm not dirty yet." Aniya

Natawa ako.
"But your mind is."

Mahina nya akong pinitik sa ulo.

Sandali ulit kaming nabalot ng katahimikan. Tuluyan akong nahiga at hinayaang madumihan ng buhangin ang likod ng ulo ko.

Pumikit ako at pasimpleng gumapang ang kamay sa garter ng  shorts nya.

"Why do you like plants so much?" Bigla ay tanong nya.

Nagmulat ako at bumungad sa akin ang napakaraming bituin.

"One day, I saw my mom, destroying a plant. That plant was given by my dad. Akala ko mamamatay na yung tanim. But I tried to fix it without expecting for it to grow again. Gusto ko lang yun makitang nakaayos sa paso kahit lanta na because it looked pathetic lying on the ground." Mapait akong natawa nang maalala ang mukha ni mama nang mga oras na iyon.
"But the next morning, I saw it blossoming again. As a kid, I was so amazed. Bigla kong naisip, kahit gaano ka pa kasira, kapag may nag alaga sayo, there's still a chance that you will be fixed again.."

Unraveling GIO MARFORI (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon