*****

283 22 5
                                    

"What do you think is the reason why that son, asked me to follow the son of his father's lover?" Tanong nya.

Tumikhim ako,
"Maybe..that son like that son." Natatawa kong sagot.

"Exactly!" Sya naman ang natawa nang mapawi ang ngiti ko. "But there is a deeper reason for that." Tinaktak nya ang lata ng beer sa railings habang may ngiti pa rin sa mga labing nakatingin sa mga tao sa ibaba.

"Ano bang gusto mong sabihin?" Tanong ko.

"Nothing." Natatawa nyang sabi. "Gusto lang kitang kumbinsihin na sumali ulit sa amin."

Hindi ako kumbinsido sa rason nya. Masikretong tao si Ross, hindi sya magku-kwento dahil lang gusto nya akong bumalik sa gang.
"Ano na bang nangyari sa anak ng bigshot client mo?"

"I don't know. He told us to stop following the guy. After paying us tons of money, sabi nya wag na naming sundan yung anak ng karelasyon ng ama nya."

"At yung Mr. M at Mr. O?"

Tumaas ang dalawa nyang kilay.
"They live happily ever after."

"Hindi ba..confidential dapat yan?" Kumunot ang noo ko.

"You're an old comrade and my brother, gusto ko lang ipaliwanag kung ano na ang trabaho namin ngayon." Aniya. "If you want to know more, our door is always open for you." Ibinuka nya ang magkabila nyang braso.

Muli akong hindi nakasagot sa paanyaya nya.
Kung ganon ay mas komplikado ang mga ginagawa nila ngayon. Mga bigating tao na ang nakakasama nila, may kasama nang pera, at kung nasaan ang pera, siguradong nandoon rin ang gulo.

Bumuntong hininga ako,
"Pag iisipan ko."

Tumango-tango sya at sinundan ng tingin ang tinitingnan ko. Ilang sandali kaming natahimik at nagpatuloy lang sa pag iinom.
"Third Sy and Gio Marfori. What a perfect match."

Kung kanina akala ko mag isa nalang si Gio, ngayon ay kasama nya na ulit si Trey.
Awtomatikong kumuyom ang kamao ko.
Wala ka talagang pakialam. Hindi ka talaga titigil.

Inalis ko ang tingin sakanila at tumalikod sa pool.
"What do you mean 'perfect match'?" May diing tanong ko.

Sa pagkakasabi nya ay alam ko na kilala nya ang dalawa. Sa klase ng trabaho nya, hindi na yun nakapagtataka.

"Both of their fathers, became a hot topic in corporate world recently. Do you know why?"

Sarkastiko akong ngumisi,
"Sino bang hindi nakakaalam ng pagnanakaw ni William Marfori sa stocks ni Xiang Jiang Sy?"

Napailing sya,
"See? That's the reason why you have to join us again. We don't twist the truth. We unravel lies and reveal the truth and nothing but the truth."

Tinaasan ko sya ng kilay at dinampi sa braso nya ang lata ng beer.
"What did time do to you, bro? Masyado ka nang naging malalim."

"Matagal na akong malalim, bro. Hindi mo lang siguro ako nasisid kaya hindi tayo nagkita sa ilalim."

Sabay kaming ngumisi.

"Then tell me, what's the truth?" Tanong ko.

"Since you're a brother, I will tell you another secret." Nakangiting sabi nya bago umusog sa akin. "William Marfori stole nothing."

Natigilan ako at tiningnan kung seryoso ba sya sa sinabi nya.

"Aside from losing a business partner, he also lost a traitor friend. One night, Mr. Sy, put all of their stocks into the pot. Ipinusta nya ang lahat ng shares nya nang maubusan sya ng chips."

Unraveling GIO MARFORI (COMPLETED)Where stories live. Discover now