*****

282 10 0
                                    

"Stalker ka pala? Pakiramdam ko tuloy napakagwapo ko. Isang anak ng senador at top student ang sumusunod sunod saakin." Nakangiting tudyo ko sakanya habang nakaunan ako sa braso nya.

Natawa sya,
"Masaya ka?"

Tumaas baba ang mga kilay ko pero napawi rin ang ngiti ko at napapaisip na tumagilid paharap sakanya nang biglang may pumasok ss isip ko,
"Pwede ko bang tanungin kung...sino ang mga binayaran mo para sundan ako?"

Bahagyang kumunot ang noo nya at mabagal na inalis ang ilang hibla ng buhok na nakaharang sa mga mga mata ko.
Sandali nya akong pinagmasdan bago masuyong ngumiti at hinaplos ang likod ng ulo ko.
"Bakit gusto mo pang malaman?"

Nagkibit balikat ako,
"Wala lang. Baka lang kilala ko pa pala.."

"Kilala mo nga."

Napamaang ako at umangat ang gilid ng labi.
Isang tao lang ang pumasok sa isip ko.

"Si Ross?"

"Ang dati mong gangmate."

Natatawang pabagsak akong nahiga ulit sa braso nya.
"Pati ba naman yan alam mo?"

"At si Helios."

Mabilis akong bumangon ulit,
"Si Helios?"

"He fell inlove with you while doing his job so I had to fire him."

Hindi makapaniwalang napatitig ako sakanya habang nakakunot ang noo.

Si Helios..

"Wag mong sabihing hindi aksidente ang pagkikita namin sa Ilocos?"

"No, that was an accident. Pero alam nyang pupunta tayo. Sya ang may ari ng Horizon, ang resort na pinuntahan natin."

"Pero paano sya napunta sa The Farm? Wag mong sabihing..?"

Mahina syang natawa pero agad ring napalis at sumimangot.
"Matagal na syang nag-resign sa kumpanya ni Ross bago pa sya nag apply sa The Farm. That bastard was watching you by his own will. You see, people loves watching you. Hindi ko nga lang sya matanggal dahil ang daddy mo ang nag-hired sakanya."

Hindi maipinta ang mukha na tumitig ako sa kisame.
"Kung ganon, wala man lang pala akong privacy kapag nasa labas ako ng bahay ko. Ikaw, pinapasundan mo ako kahit saan at si Helios naman ay pinapanuod ako sa The Farm. Ano bang klase ng buhay to?" Reklamo ko.

Makahulugan syang natawa saka pinisil ang pisngi ko.

"Bakit?" May paghihinala kong tanong.
May ibig sabihin ang ngiti nya at hindi ako makakatulog hanggat hindi ko yun nalalaman.

"Nothing. Let's sleep it's almost dawn." Aniya saka umakmang yayakapin ako.

Pinigilan ko ang braso nya at pinaningkitan sya ng mga mata,
"Bakit ganyan ang ngiti mo? May hindi kapa ba sinasabi sakin?"

Kinagat nya ang pang ibaba nyang labi at pigil ang ngiting sumiksik sa leeg ko.
"Wala lang.."

"Gio Marfori." May himig ng babalang sabi ko.

Alam kong natatawa sya dahil ramdam ko sa leeg ko ang hangin na nanggagaling sa ilong nya at ang bahagyang pagyugyog ng balikat nya.

Marahan kong itinulak palayo ang ulo nya at tiningnan sya sa mukha.
Pigil parin syang nakangiti.

"What?" Naiinis nang tanong ko.

Inilapit nya ang mukha saakin at napalitan ng ngisi ang ngiti,
"That night after I sent you the Calathea plant, I saw you..."

Bahagyang nanlaki ang mga mata ko at sinubukang alalahanin ang sinasabi nya.

Hindi ko pa nakakalimutan ang ginawa ko nang gabing yun..
Mag isa ako sa kwarto habang hawak ang halamang galing sakanya, nakita ko ang pabango nya at nang maamoy ko iyon ay-

Unraveling GIO MARFORI (COMPLETED)Where stories live. Discover now