Chapter 4

461 22 1
                                    

Balls

*

"Dito po yung mag fi-fill out ng form." Sabi ng isang babaeng nakasuot ng pambabaeng jersey sa entrance ng court.

"Tol, sigurado ka bang papasok ka ng varsity? Alam mo bang ang angas ng captain ngayon? Walang palipas sa practice!" Tanong ni Lucas matapos kong kumuha ng form para sa mga magta-try out. "Tsaka nakakabagot dyan, wala namang espesyal sa bola, bat nila pinag aagawan?"

Mahina akong natawa.
"Susubukan ko lang naman. Lagi nalang kayo ang kasama ko. Nasasawa na ako sa mga pagmumukha nyo."

Pumunta sya sa harapan ko at pinigilan akong maglakad.
"Ganto nalang. May membership form ako sa golf course ni dad, dun ka nalang mag fill out."

Tinulak ko ang mukha nya at agad naagaw ang pansin ko ng lalaking nagdi-dribble ng bola sa may bench.
"Matagal na akong member dun. Sandali."

Naglakad ako papunta sakanya pero biglang may humarang sakin.
"Hindi dito ang tryout." Sabi ng isang lalaking singkit ang mga mata.

Shaun Ayala.
Isa sa laging mga kasama ni Gio.

"Alam ko. Pero may gusto akong kausapin." Nilagpasan ko sya pero hinawakan nya ako sa braso.

Kumunot ang noo ko.
"Anong problema mo?"

"Mamaya pa ang tryout. Kung may gusto kang kausaping player, hintayin mong matapos ang practice namin."

Pilit akong natawa saka binawi ang braso kong hawak nya.
"Fuck off."

Sinadya kong sagiin ang balikat nya nang lagpasan ko sya at diretsong naglakad papunta sa captain nila.

Hindi mo sinabing may mga bumabakod sayong mga lintek.

"Take me in." Diretsong sabi ko nang makarating ako sa harapan nya.

Tumigil sya sa pag dribble at lumingon sakin na parang hindi na nagulat sa sinabi ko.
"You think I'm that easy?" Ngumisi sya at lumapit sakin hanggang sa ang bola nalang na hawak nya sa dalawang kamay ang humaharang sa pagitan namin.
"If you want me to take you in, beat me."

Umangat ang gilid ng labi ko at initsa ang bag sa bench nang hindi inaalis ang tingin sakanya.
Ipinatong ko ang isa kong kamay sa bolang hawak nya at makahulugang bumulong,

"I can't wait to play with your balls."

Unraveling GIO MARFORI (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon