Prologue

1.2K 30 1
                                    

"Newly elected senator, William Marfori talks about the importance of healthy lifestyle and surrogacy-"

"What are you doing?"

Hawak ang box ng popcorn ay tumingala ako sa babaeng todo ang ayos, na kung may makakakita ay baka isipin na may lakad sya at pupuntahang okasyon.

"Nothing. I'm just curious about that senator." Sabi ko habang nakatingin sa screen ng TV.

Umupo sya sa armrest ng sofa at umakbay sa akin. Her arms are like a vine of poison that's starting to irritate my skin from within.
"What about him?"

"He looks so dignified."

Umalingawngaw ang matinis nyang pagtawa sa buong sala. Puno ng pangungutya.
"Ganyan naman talaga ang mga tao kapag nasa harapan ng camera. They are full of lies and pretensions. Just like him, outside he is an honourable man but inside he is nothing but a homewrecker."

Humigpit ang hawak ko sa popcorn. Narinig ko ang unti-unting pagyupi niyon at ang biglang pag akyat ng dugo sa ulo ko.

Napatiim bagang ako nang isandal nya ang ulo sakin at bumulong,
"That's right, son. Be disgusted. Hate him. Feel the rage in your heart until you want to kill  him with your own hands."

Biglang naglaglagan ang mga popcorn sa sahig habang namumuo ang mga pawis sa noo ko.

Galit, pagkadismaya at pagkasuklam ang unti-unting bumalot sa buo kong katawan nang bigla kong maalala ang isang scenario na kahit iuntog ko pa ang ulo ko nang maraming beses ay hinding hindi ko makakalimutan.

Mabigat ang paghingang tumayo ako at naglakad palayo sa babaeng unti-unting lumalason sa isip ko.

"I'll go to sleep now. Good night, Ma."

Hindi ko sya narinig na sumagot pero alam ko na sinundan nya ako ng tingin. Mga tingin na hindi ko gugustuhing makita.

Why do you have to be like this? You're the one who's killing me. With all of your lies.

Pagkapasok sa kwarto ay kinuha ko ang cellphone ko at tinawagan ang taong kapag nalaman ni mama na kinakausap ko ay baka pati ako ay isumpa nya.

"Kenzo." Sagot nito sa kabilang linya.

Ang tanging boses na marinig ko lang, kahit nasa gitna ako ng gulo ay hihinto ako at kakalma.



"Let's meet."

****************

Unraveling GIO MARFORI (COMPLETED)Where stories live. Discover now