Chapter 39

267 19 2
                                    

Malapit nang mag alas-dose ng tanghali ay abala pa rin kami sa pag tanim ng mga buto ng Begonia seeds. Isang malaking box na puno ng maliliit na pack ng mga punla ang kailangan naming ubusin dahil marami ang orders, pero dahil hirap akong mag madali kaya natatagalan kaming matapos.

"Kenzo, sige na mag break ka na."

Napaangat ako ng tingin kay Monique mula sa paglalagay ng mga buto sa paso.
Tumayo ako at pinunasan ng manggas ang mga namuong pawis sa noo ko. Kahit ang T-shirt ko ay basa na rin ng pawis.

"Pero hindi pa namin ito natatapos." Sulyap ko kay Ronin na nasa dulo.

"It's okay. Tapusin mo nalang yan mamaya. 30 minutes nalang naman lunch time na, atsaka," Bahagya syang lumapit at inilagay sa gilid ng bibig ang kamay na parang may ibubulong. "May naghihintay na rin sayo sa elevator."

Awtomatikong pumasok sa isip ko si Dad kaya tumango nalang ako,
"Sige, bibilisan ko nalang mamaya para matapos namin kaagad."

Tumango sya at bumalik na sa cashier.
Hinubad ko ang maputik kong gloves at ang gardening apron.

Matapos ayusin nang mabilisan ang buhok at punasan ang pawis sa mukha ay naglakad na ako papunta sa elevator.

"Akala ko ba may naghihintay sakin?" Nakangusong bulong ko sa sarili nang wala akong maabutang kahit sino.

"You're making me wait?"

Napasinghap ako sa gulat nang makitang may lalaking nakasandal sa loob ng elevator at nakasuot pa ng school uniform.

"You look so hot with that shirt full of sweat." Aniyang may naglalarong ngiti sa mga labi. "I wonder what you taste like?"

Agad akong napangiti at lumapit sakanya nang umusbong ang saya sa dibdib ko pagkakita sakanya.

Hindi ko alam na pupunta sya kahit na may pasok pa sya mamaya.
Pumantay ako sa mukha nya saka lumapit hanggang sa dumikit ang tungki ng ilong ko sa pisngi nya
"I look so hot, huh?" Bago sumara ang pinto ng elevator ay kinuha ko ang kamay nya at mabilis na ipinasok sa T-shirt ko na alam kong pawisan pa. "Bakit hindi mo alamin kung ano ang lasa?"

Ngumisi ako at nakita ang paggalaw ng lalamunan nya,
"Hmm.." Hinapit nya ako at iniunat ang isang kamay.

Napakapit ako sa balikat nya nang bigla nyang pindutin ang emergency stop button,
"Gio-"

Mabilis nya akong itinulak sa pader at sa isang iglap ay inangat ang T-shirt ko.
"Let me take a bite."

"Teka, nagbibiro lang-"
Nanlaki ang mga mata ko dahil hindi biro ang pawis sa katawan ko dahil sa pagtatrabaho kanina.
Sinubukan ko syang itulak nang ibaba nya ang ulo nya pero agad ring natigil ang paghinga nang maramdaman ko ang bibig nya sa tiyan ko at ang paggapang ng kamay nya paitaas sa likuran ko.

"I'm a little bit hungry. Maybe a salted piece of meat is enough." Aniya saka agresibong kinagat ang gilid ng tiyan ko.

Nagpakawala ako ng mariing pagdaing.
"Dahan dahan naman.." Nakangiwi  kong sabi

Narinig ko ang mahina nyang tawa.

Look at this happy bastard.

*********

"Gio, I'm glad you join us today. Sayang at wala ang Daddy mo." Sabi ni Dad habang kumukuha ng sinigang na karne ng baboy sa mesa. Katabi nun ay ang iba pang Filipino foods gaya ng Ginisang ampalaya, Bulalo at Crispy pata na galing lahat sa isang restaurant. May iba pang pagkain na hindi ko na alam kung ano ang tawag dahil pang isang pamilya na ang inorder nya.

Napailing ako sa nakikitang mga pagkain sa hapag. Minsan na akong nakadalo sa isang pyesta ng Barangay nang sumama ako kay Lucas sa probinsya nila at hindi nalalayo ang mga pagkaing mga nasa harapan ko sa mga handa doon.

Unraveling GIO MARFORI (COMPLETED)Where stories live. Discover now