Chapter 9

391 20 0
                                    

Tell me what you want

*

Normal na dumaan ang ilang araw at pilit kong kinalimutan ang mga nangyari kasama na ang pagkikita namin ni Liam Oliveros at ni Gio Marfori. Kapag inaaya ako nina Lucas na mag bar hopping, kahit tinatamad ako ay pinipilit kong sumama. Kapag ayaw nilang pumasok, hindi rin ako pumapasok.

Sa loob ng ilang beses naming pagkikita ni Gio, pakiramdam ko biglang humaba ang isang araw. Biglang naging matagal. Ilang linggo ko palang syang nakikilala pero pakiramdam ko ang dami nang nangyari.

"Kenzo, this is Hera. Your tito Miguel's only daughter. Hera, this is my son, Kenzo." Pakilala sakin ni mama sa babaeng matangkad, morena at balingkinitan ang katawan. Nakasuot ng mamahaling damit at ilang piraso ng alahas. Tipikal na mayaman.

Inalis ko ang sunglasses ko at kaswal na inilahad ang kamay.
"Nice meeting you."

Nasa isang restaurant kami na walang masyadong kumakain, hindi dahil hindi masarap ang pagkain kundi dahil mahal ang pagkain.

Ngumiti sya at lumabas ang maliit na biloy sa ibaba ng labi nya.
"Nice meeting you too." Mahinhin nyang sabi bago tinanggap ang kamay ko.

Sandali akong natigilan sa hinhin ng boses nya. Matagal tagal na rin nang makarinig ako ng ganong tono mula sa isang babae.

"Let's seat, let's seat." Sabi ni mama saka kami iginiya sa isang mesa na may apat na upuan. "May titingnan lang ako sa counter. You guys enjoy the foods."

Palihim akong napailing dahil alam ko kung ano ang gusto nyang mangyari. At hindi nga ako nagkamali, dahil hindi pa lumilipas ang isang minuto ay tumunog ang cellphone ko at nakitang may text sya na nagsasabing ako na ang bahala kay Hera.

Hindi ako mahilig makipag blind date dahil hindi ako marunong mambola ng babaeng gaya ni Hera.
I don't know how to please girls with words.
And girls like her is a burden. Hard to please but demanding.

"So what are you studying?" Sya na ang nagkusang nagtanong nang mapako ang atensyon ko sa menu.

"Accountancy." Tipid kong sagot.

"Really??" Gulat na tanong nya. Nang tingnan ko ang mukha nya ay mukhang totoo naman ang pagkagulat nya. "I didn't expect that."

"Why? Because I look stupid?"

Napakurap sya at pilit na ngumiti.
"That's not what I mean. Tita Beatrix told me that you love plants, I thought your course will be related to them.."

"I just love plants but I don't have plan to take them seriously."

"Just like how you treat girls?"

Umangat ang gilid ng labi ko.
"I don't know. Maybe." Walang gana kong sagot.

"Siguro hindi mo palang nakikita ang katapat mo. Someone that you will take seriously. You know, girls won't take you seriously too kung hindi mo sila tinatrato nang maayos."

Bahagya akong natawa.
"Bakit parang jina-judge mo'ko agad?"

Ngumiti sya at nahihiyang nagkibit balikat.
"I'm not.."

Muli akong tumingin sa menu.
"Are you aware that you're going to be my step sister?"

"Of course.."

"Then, are you here to meet me as your future step brother or what?"

Napaiwas sya ng tingin at naging malikot ang mga mata.
"Well..."

Tumaas ang mga kilay ko at hinintay ang sagot nya. Biglang namula ang mukha nya at ilang ulit bumuka ang bibig at umakmang magsasalita.

"We're not blood related. So it depends.." Sa wakas ay sabi nya.

Unraveling GIO MARFORI (COMPLETED)Where stories live. Discover now