Chapter 17

353 20 0
                                    

William Marfori

*

"Are you coming with me?" Tanong ni Gio matapos kong magbihis ng pantalon na uniform at puting T-shirt. Nasa boarding house ang polo ko kaya kailangan ko pang dumaan doon bago pumasok.

"Wag na, dala ko naman ang kotse ko. Kita nalang tayo sa school," Pumunta ako sa mesa at kumagat sa sandwich na ginawa ko kanina para saming dalawa. "Naiwan ko rin kasi ang uniform ko sa boarding house."

Hindi sya sumagot at kinuha lang ang bag nya sa sofa.
"Why don't you eat more?" Tanong nya habang nakamasid sakin.

"Tama na sakin 'to." Lumapit ako sakanya at inilapit sa bibig nya ang hawak kong sandwich.

Sandali syang natigilan habang nagpapabalik balik ang tingin saakin at sa sandwich na para bang hindi nya alam kung ano ang gagawin.

Mahina akong natawa saka sya pinisil sa magkabilang pisngi.
"Wag mong sabihing, wala pang sumusubo sayo ng pagkain kahit kailan?" Mahina kong tinapik ang gilid ng mukha nya. "Napakalungkot naman ng buhay mo kung ganon."  Ngumisi ako.

Napangiti sya at hinawakan ang kamay kong may hawak sa sandwich,
"That's why you're here," At inilapit iyon sa bibig nya, "To make me happy." Sabay kaming napangiti habang nginunguya nya ang pagkain.

"Pano naman yung saya ko?"

Pinisil nya ang baba ko.
"I just made you scream in happiness last night."

Mahina akong natawa habang nagpapalitan kami ng makahulugang tingin.
Naputol lang iyon nang biglang may kumatok sa pinto.

Mahina ko syang tinapik sa balikat.
"Kita nalang tayo mamaya."

Tumango sya at ako na ang bumukas ng pinto. Nabungaran ko ang isang matangkad na lalaki, malaki ang katawan at mukhang security guard ang suot.
Nilagpasan ko sya at naglakad na palayo sa pinto.

"Your father is looking for you." Sabi ng lalaki.

Natigil ako sa paghakbang at pasimpleng lumingon sakanila.
Nasa loob parin si Gio kaya hindi ko makita ang reaksyon nya.

Lumingon sa akin ang lalaki at bumalik ang tingin sa taong nasa loob ng unit. Ilang sandali lang ay mabilis na itong pumihit paalis.

 
Bago pa lumabas si Gio sa pinto ay nagpatuloy na ako sa paglalakad papunta sa elevator.

Kung ganon nandito sa building si William Marfori.

Akmang papasok ako sa elevator nang magbago ang isip ko at pumihit pabalik. Naabutan ko pa si Gio na kakalabas lang ng unit.

"Parang tinamad ako biglang mag-drive." Kaswal na umakbay ako sakanya. "Baka pwede akong sumakay sayo?"

Umangat ang gilid ng labi nya.
"You can ride me anytime."

Ngumisi ako at sabay na kaming naglakad papunta sa elevator, pero bago pa kami makapasok ay bumukas ang isa pang elevator at lumabas ang taong hinihintay kong makita.

Sinadya kong higpitan ang pagkakaakbay ko sa balikat ni Gio habang nakatingin sa mga mata ng lalaki. Kahit malayo sya sa amin ay dama ko kung paano ariin ng mga mata nya ang lahat ng nasa paligid kasama na ang taong hawak ko ngayon.

William Marfori, look at me holding your son's neck.

*

Unraveling GIO MARFORI (COMPLETED)Όπου ζουν οι ιστορίες. Ανακάλυψε τώρα