Chapter 23

297 18 0
                                    

The god of sun

*

Pagkabukas ni Ryu ng pinto ay agad akong nahiga padapa sa kama nya at umubob sa unan.

"What's wrong?" Tanong nya.

Umiling ako at hindi nag angat ng ulo.
Hindi ako galit.
Masyadong malalim kung galit ang mararamdaman ko dahil lang sumama sya kay Trey.

Marahan kong inangat ang kalahati ng katawan ko at inikot para tumihaya ng higa. Makailang ulit na bumuntong hininga, gumulong sa kama, binato ang isang unan sa sahig bago nagsalita,

"Have you ever been..jealous?" Tanong ko sakanya.

Sumulyap sya sa akin at ibinaba ang magazine na hawak.
"Sino naman ang hindi pa nagselos buong buhay nya?"

Iniunan ko ang dalawa kong kamay sa likod ng ulo.
Sa isip ko ay ang mga tingin na binigay ni Gio kay Trey bago nila ako tinalikuran kanina.

"Why are you asking?"

Umiling ako,
"Wala lang."

"Hindi mo itatanong ang isang bagay kung wala lang."

Naupo ako at itinukod sa magkabilang gilid ang magkabilang kamay. Hindi ako mahilig magsabi ng mga nararamdaman ko sakanila lalo na kay Ryu. Minsan kapag may mga problema, sapat na ang tapik sa balikat at bote ng alak para malaman at mapagaan namin iyon.

Napabuntong hininga ako at muling dumapa.

Fucking jealousy.

Again.

"Gusto mo bang pumunta sa resort?"

Agad akong bumangon at hindi na nag isip pa.
"Tara." Natawa sya

Sinuklay ko ng daliri ang buhok ko saka naglakad na palabas.
Walang bitbit kahit ano, tumawid kami sa katabing gate ng hotel.
Ilang hakbang lang iyon kaya hindi mahirap puntahan. Lagpas tao ang gate. Halos hindi makita ang loob ng resort.
"Horizon" ang makalat na graffiti sa gate. Yun na rin ang pangalan ng resort.

"Wow.." Usal ni Ryu pagkapasok namin. Kumpara sa walang kaayusan na pangalan ng resort, kabaliktaran nun ang nasa loob.

Pagpasok ay bubungad ang malaking estatwa ng isang lalaki na nakasakay sa karwahe na hila ng apat na kabayo, may dalawang swimming pool na magkasing laki. Mga pine trees sa paligid, ilang mga bar at restaurant. Maliliit lang pero magagara. Sa gilid ng mga iyon ay ang isang napakalaking bahay na kahit sa labas ng resort ay makikita. Tipikal na bahay ng mayayaman, gawa sa salamin ang pader sa harapan at makikita ang mga tao na nasa loob.

"Saan tayo? Sa bar o sa bahay?" Tanong ni Ryu. May mangilan ngilang naliligo sa pool pero mas marami ang mga tao sa bahay.

Tumingin ako sa hilera ng lounge chair. May isa pang bakante.

"Dito nalang muna ako." Sabi ko.

Tumango sya,
"Hanapin ko lang sina Jax sa loob."

Nang makaalis sya ay naupo ako sa pinakadulong lounge chair. Basa ang ibabaw kaya hindi ko alam kung ang tao bang nakaupo dito kanina ay umalis na o isa pa sa mga naliligo ngayon sa pool.

Matapos palisin ng kamay ang tubig ay pahiga akong naupo.
Maingay ang paligid pero kahit konti ay hindi nun naagaw ang pansin ko.

Pasimple kong inilibot ang paningin.

Wala si Gio.

Bumuntong hininga ako at napatingin sa katabi kong upuan.
May lalaki doon na naka-summer shorts at walang suot pang itaas. May dalang gitara na bahagya nyang kinakalabit ang mga strings.

"But I'm in so deep, you know I'm such a fool for you..you got me wrapped around your finger..Do you have to let it linger.."

May ilang napatingin sakanya nang magsimula syang kumanta.

Australian accent.

Maliban sa paos nyang boses na bumagay sa kanta ay kapansin pansin rin ang Australian accent nya.

Inalis ko ang tingin sa lalaki.

"Oh, I thought the world of you. I thought nothing could go wrong, but I was wrong, I was wrong.."

Bahagya akong natawa sa kung paano umakma ang lyrics ng kanta sa iniisip ko.
Akala ko rin walang hindi magandang mangyayari sa pagpunta namin dito, pero yun pa pala ang sasalubong sa akin.

Nang tumigil ang pagkanta ay napatingin ako sa lalaki at nakitang nakalingon sya sa direksyon ko,
"Are you laughing at me?" Tanong nya habang nakakunot ang noo. Nakita ko ang kakaibang kulay ng mga mata nya.

Itinuro ko ang sarili ko.
Kailan ko naman sya pinagtawanan? Hindi ko nga sya kilala.

Ibinaba nya ang gitara sa upuan at paupong humarap sa akin.
"You love plants?" Maangas na tanong nya.

Kumunot ang noo ko.

Nang hindi ako sumagot ay lumapit sya sakin, nag squat paupo at hinablot ang kamay ko.
"These veins..wow." Aniya at mariing sinundan ng hinlalaki ang ugat sa likod ng kamay ko.

Hinablot ko pabalik ang kamay ko at bahagyang lumayo sakanya.
"Who the fuck are you?" Gulat na tanong ko. Mahina kong pinagpag ang kamay ko dahil kumirot ang ugat sa diin nang pagkakahawak nya.

Umayos sya ng tayo at nakangiting inilahad ang kamay.
"I'm Helios."

Lukot ang mukhang tiningnan ko ang kamay nya.
Sa tangkad nya ay alam kong kailangan kong tumingala kahit pa tumayo ako.

"After listening to my song, you're not going to tell me your name?" Nalukot ang mukha nya.

Sarkastiko akong natawa.
"Kailangan ko ba yun gawin?"

Umangat ang gilid ng pisngi nya at hindi ko naiwasang hindi mamangha nang may lumabas na malalim na biloy doon.

"I don't sing for random people." Muli nyang hinablot ang kamay ko. "I only sing for people who caught my attention."

Binawi ko ang kamay ko at tumayo.
Alam ko kung ano ang ibig nyang sabihin.

"I don't give my name to random people. I only give it to people who caught my attention." Panggagaya ko sa sinabi nya.

Natawa sya pero agad rin iyon napalis bago ako inakbayan,
"If you don't want to tell me your name, pay me."

Nanlaki ang mga mata ko,
"Fuck y-"

"3000 pesos for my talent fee and additional 2000 for my golden voice." Inilahad nya ang kamay.

"Hindi ko dala ang wallet ko." Lukot ang mukhang sabi ko. Nagandahan pa naman ako sa boses nya tapos ganito lang pala ang gagawin nya!

"Then let's go to your hotel room!" Aniya

Hindi makapaniwalang inalis ko ang pagkakaakbay nya.
"Gago ka ba?" Sabi ko at nagsimulang humakbang palayo sakanya.

Sa laki nyang lalaki, mas daig nya pa ang batang paslit kung umasta ngayon sa harapan ko

"Gods are usually unbelievable. You're lucky to have met one of them." Nakangising sabi nya. Helios ibig sabihin ay god of sun. "And for that, give me additional 5000 pesos."

Sinipa ko papunta sakanya ang plastik na lounge chair.

What a fucking scammer!

*

Unraveling GIO MARFORI (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon