****

287 15 3
                                    

KENZO POV

*

Nang magising ako ay maayos na akong nakahiga sa kama at nababalot ng kumot. Hindi ko nakita si Gio hanggang sa makatulog ako ulit. Gabi na nang magising ako at tuluyang nagkalakas ang katawan na bumangon.

Kaunti nalang ang sakit ng ulo ko ganun rin ang hilo ko.
Walang laman ang tiyan ko kaya halos ay manginig ako sa gutom.
Nang ilibot ko ang paningin ko sa buong bahay, ay ganoon pa rin, wala pa rin si Gio.

Matapos maligo para tuluyang maalis ang hangover ay kumain ako ng naiwang pagkain sa microwave. Lugaw iyon at sigurado akong hindi pa iyon nagtatagal nang iluto. Siguro ay umuwi si Gio para iwanan iyon at umalis rin.

Napapabuntong hiningang tinitigan ko ang pagkain.
Naaalala ko pa kung paano nya pinigilan ang galit sa mukha nya bago ako makatulog kagabi.

Kasalanan ko.
Umalis ako, uminom at hinayaan si Helios na iuwi ako sa bahay nya. Ayokong pag isipan nya ako ng masama pero pakiramdam ko ay pagod na pagod ako kagabi para magpaliwanag pa.

Matapos ang mga nalaman ko, hindi lang ako galit sa mga taong naging dahilan kung bakit ako galit sa maraming bagay, kundi pati sa sarili ko. Hinayaan kong lamunin ako ng galit nang hindi man lang inaalam kung ano ba ang pinagmulan nun. Kung sino ba talaga ang may kasalanan.

Pati kay Gio ay nagalit ako at ilang ulit ko rin syang sinubukang saktan.
Hindi ko alam mung paano ko sya titingnan ulit nang diretso sa mga mata.

"Shit."

I fucked up this time..

Matapos magbihis ay umalis ako at pumunta sa boarding house. Wala akong naabutan doon pero dumating rin si Lucas at Ryu matapos ko silang tawagan.

"Ha? Ang ibig mong sabihin, wala talagang kinalaman si William Marfori sa nangyari noon? Gawa gawa lang yun ng mommy mo?" Hindi makapaniwalang tanong ni Lucas.

Marahan akong tumango.

Ryu, "At sangkot rin doon si Miguel Tiangco? Paano nangyari yun? He is totally out of the picture."

"He drugged them. My dad and William Marfori."

Gulat na nagkatinginan ang dalawa,

Ryu, "So you mean to say, all this time, nagalit ka sa daddy mo kahit wala naman talaga syang kasalanan. It's like biting your own tail."

"Tingin ko alam yan ni Gio." Ani Lucas habang ngumunguya ng kinakain nyang chichirya. "I can feel it. Alam mo yang boyfriend mo, tol, he is quite powerful. Not because of his father, but because he wants to. He can. Imposibleng ang ganong uri ng tao ay walang alam sa mga bagay na nalaman mo na sa ibang tao." Natawa sya, "I'm telling you, he knows everything about you."

Natahimik ako.
Kapag naiisip ko yun, mas nadaragdagan ang mga tanong ko.

"Kung totoo man yun, ano naman ang rason nya para itago yun kay Kenzo?" Tanong ni Ryu

"Pwera nalang kung..kapareho ng rason ni Kenzo ang rason nya kung bakit hinayaan nya si Kenzo na mapalapit sakanya. Hindi kaya, pareho lang kayong may balak na maghiganti sa isa't isa?" Tanong ni Lucas.

Mataman akong tinitigan ni Ryu nang marahas akong napabuntong hininga.

Hindi nga kaya?
Mahigpit akong napahawak sa batok at napapikit.

Fuck.

"I don't think so." Pagkontra ni Ryu saka ako tinapik sa balikat. "Tingin ko naman, hindi nya yun gagawin. Nakita ko na kung paano nya itrato si Kenzo. Kahit ako, hindi ko yun kayang gawin sa mga naging girlfriend ko."

Bahagyang lumuwag ang pakiramdam ko sa sinabi nya kahit pakiramdam ko ay pinapagaan nya lang ang loob ko.

"Kaya imbes na umalis ka sa bahay nyo at iwasan sya dahil guilty ka, bakit hindi kayo mag usap nang maayos? If he knew it from the start, then he can answer all your questions."

Tumango tango si Lucas.
"Alam mo ang ganito kabigat na bagay, dapat maayos na pinag uusapan. Misunderstanding is a killer of relationship. Ikaw din, baka kung saan pa yan mapunta."

"Tsk. Hayaan mo munang mag isip ngayon si Kenzo. Kahit ako maguguluhan din. Pero wag mo lang tagalan." Ani Ryu.

Tahimik na sumandal ako sa upuan at pilit na inintindi ang mga sinabi nila. Doon naman tumunog ang cellphone ko at nakitang si Gio ang tumatawag. Matagal akong tumitig doon kahit kasabay ng malakas na vibrate ay ang malakas rin na tibok ng puso ko makita ko lang ang pangalan nya,
"Sasagutin ko lang 'to."

Mariing kagat ang labing pumunta ako sa tabi ng bintana.

"Where are you again?" Bungad nya. Rinig sa boses nya ang pag aalala.

"Nasa boarding house kasama sina Lucas." Pabulong kong sagot.

"Can I come over? I'll just...give you something to eat and leave, if you don't want me to stay."

Biglang lumambot ang puso ko.

"Kenzo?" Untag nya.

"Sorry."

"It's okay."

Ilang sandali kaming natahimik at tanging mga ingay lang sa paligid ang maririnig.

"Can you..open the door?" Tanong nya.

Kumunot ang noo ko at naglakad papunta sa bintana. Sumilip ako at nakita ang sasakyan nyang nakatigil sa kabilang kalsada.
"Kanina ka pa ba?"

"5 minutes."

"You're making me feel like I'm the bad guy here." Sabi ko

Marahan syang natawa saka mahinang nagsalita. Napakalambot ng boses nya na para bang sinasadya nya para lalo akong magsisi sa mga ginawa ko.
"Well, you are. You're not a good boy anymore. You're cold to me, treating me like..you don't love me anymore."

Napakurap ako at natahimik.
Ang marinig ang tampo sa boses nya ay parang nagtutulak saakin na lumabas ng pinto at tumakbo palapit sakanya

Malalim akong napabuntong hininga at muling sinilip ang sasakyan nya,
"Puntahan mo na'ko."

*

Unraveling GIO MARFORI (COMPLETED)Where stories live. Discover now