Chapter 43

224 15 0
                                    

There are no secrets that time does not reveal

*

Kahit nakauwi na ay hindi pa rin mawala sa isip ko ang mga narinig ko kanina.
Wala akong ibang maisip na dahilan kung bakit gusto ni Miguel Tiangco ang The Farm maliban kung may lihim itong intensyon.

"Sabihin mo nga sa akin, bakit ayaw mo nang bumalik sa The Farm? Sa 7th floor?" Tanong ko kay Gio habang magkaharap kaming kumakain ng hapunan. Halos maubos nya na ang inorder naming spanish foods habang ako ay hindi pa iyon nagagalaw kahit kaunti.

Nag angat sya ng ulo,
"Again?"

Hinawakan ko ang tinidor at nilaro ang maliit na piraso ng roast chicken sa plato ko.
"Alam mo, yung bahay namin, madali ko lang yung naiwan dahil kahit doon ako lumaki, wala naman akong nagawang mga magagandang alaala dun." Mapait akong napangiti. Kadalasan ay mag isa lang ako.
"Kumpara sayo, sa 7th floor umikot ang mundo mo. Doon ka lumaki at nagkaisip. Kaya bakit ganon mo nalang yun kadaling iwan at piliin ang lugar na hindi mo naman kinasayanan?"

Natigil sya sa pagkain at ibinaba ang mga kubyertos.
"Why are you suddenly..asking me again?"

Hindi ko pinansin ang tanong nya at nakatitig lang sa platong nagpatuloy,
"Dahil ba..alam mo na mawawala na sainyo ang The Farm? Dahil ba alam mo na kukunin na yun sainyo ni Miguel Tiangco?"

"Kenzo, what are you talking about?"

Humigpit ang hawak ko sa tinidor dahil sa pag mamaang-maangan nya. Imposibleng hindi nya yun alam. Imposible.
"Kaya ayaw mo na dun bumalik diba? Kasi aalis rin naman kayo dun dahil ibibigay yun ni William kay Miguel Tiangco."

"Where the hell did you get all of that?"

"Sagutin mo nalang ako!" Singhal ko sakanya na ikinabigla nya. "Tama ako diba? Ibibigay yun ng magaling mong ama sa iba?"

"I-"

Malamig ko syang tinitigan. Alam kong hindi nya yun magugustuhan.
"Bakit? Bakit yun ibibigay ni William sa mga Tiangco?"

Nag iwas sya ng tingin,
"I don't know what you're talking about.."

"Bullshit!" Malakas na pinalo ko ang mesa dahilan para matumba ang isang baso at mahulog sa sahig. Naglikha iyon ng ingay dahil sa pagkabasag.

Tumayo ako at humahangos na yumuko.
"That place..is very important to my father. More important than me. But your father..That- that son of a bitch! He's taking my dad away from me again..FOR THE SECOND TIME!"

Bigla syang napatayo pero agad kong inangat ang kamay ko para pigilan sya sa kung anuman ang gusto nyang gawin,

"Hayaan mo na muna akong umalis. Gusto ko munang magpahangin sa labas."



*********************

Nang maubos ko ang pangatlong lata ng beer ay kumuha ulit ako ng isa pa at binuksan. Anim ang binili ko dahil yun nalang ang natira sa ref ng kaharap na convenient store.
Nasa bench ako katabi ng guard house kung saan medyo madilim at kapag ganitong oras na ay wala nang tao.

"Dami nyan sir, ah." Sabi ng guard na madalas ditong naka-duty.

"Kuha ka kung gusto mo." Sabi ko pero umiling sya.

"Duty pa, sir."

Hindi nalang ako umimik at inisang lagok ang beer.
Siguro nga kaya hindi ko magawa-gawa ang mga gusto ni mama dahil wala naman talaga akong balak na gawin iyon sa umpisa palang.
Galit ako sakanya at kay William Marfori, pero nangibabaw pa rin doon ang pangungulila ko sakanya.

"Sir, may tumatawag yata sainyo." Sabi ng guard habang nakaturo sa cellphone sa gilid ko. Sa lalim ng pag iisip ko ay hindi ko na narinig iyon.

Kinuha ko ang cellphone at nakita ang unregistered number sa screen,
"Hello?"

"Kenzo! How are you, bro? Si Ross 'to."

Napaayos ako ng upo.
"Oh, kumusta?"

Natawa sya sa kabilang linya,
"Bakit naman parang hindi ka masaya sa pagtawag ko? Sige ibababa ko nalang kung-"

"Gago, pagod lang ako. Ano bang atin?" Putol ko sakanya.

"Wala naman. Nagkita kasi kami ni Lucas, nag aayang uminom kaya lang sabi nya ayain daw kita. Kaya kinuha ko ang number mo. Ano sama ka?"

Sandali akong tumahimik at tumingala sa 7th floor. May ilaw pa.

"Sige. Saan ba?"

*

Unraveling GIO MARFORI (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon