*****

393 19 0
                                    

"Because pain is traitor. It will consume you little by little. Hanggang sa tuluyan nitong kainin ang utak mo at makagawa ka ng isang bagay na pagsisisihan mo rin sa huli."

Tahimik akong nakinig sa professor namin at hindi natulog gaya ng dati kahit kanina pa ako inaantok at masama ang pakiramdam.

"That's the reason why forgiveness is very important. It will free you from the tight chain of rage and will make you human again..."

Forgiveness..

"Sorry, I'm late." Lahat kami ay napabaling sa lalaking pumasok.

"No worries, Mr. Marfori. Come in."

Walang gana akong natawa nang mahina.
Perks of being smart huh?

Ngayon ko napansin na matagal na kaming nagsasama sa isang klase. Hindi ko lang napapansin dahil madalas akong wala at walang pakealam.

Ilang buwan na rin akong hindi nananaginip nang ganon. At sa tuwing nangyayari yun pakiramdam ko wala akong gana sa lahat ng bagay, kahit ang makipagtalo kung bakit mabilis ang tibok ng dibdib ko pagkarinig sa boses nya ay hindi ko magawa.

Ang mukhang yan..
Ay halos kapareho ng mukha na hindi ko kailanman makakalimutan..

Bakit ba ngayon ko lang napansin?

"This seat is not taken." Sabi nya nang nasa tabi ko na sya at nakaturo sa bakanteng upuan sa tabi ko.

Tinaas ko ang kamay ko at sinenyasan syang "Hindi."

Hindi ako umayos ng pahigang pagkakaupo.

Kanina pa sumasakit ang batok ko sa pagkakasandal sa backrest ng upuan pero namanhid na iyon at hindi ko na maramdaman.

Pinagmasdan ko ang balikat nya.
At ang kamay nya na ngayon ay abala na sa pagsusulat.

Ngayon ko lang napansin na masyado syang malinis.
Wala kahit anong gusot ang damit at walang kahit anong bahid ng dumi.

"Ganon ka rin ba kung susubukan kong ilabas ang mga tinatago mo?" Mahina kong tanong na ako lang ang nakarinig. "Wala ba akong..makikitang dumi?"

Sinubukan kong umayos ng upo at napangiwi nang kumirot ang batok ko.
"Ahh.." Daing ko nang pati ang ulo ko ay kumirot.

Siguro dahil wala pa akong tulog simula nang magising ako ng disoras ng gabi at nakaupo lang hanggang mag umaga.

"What?" Tanong ko sakanya nang maramdaman ko ang nanunuri nyang tingin

Hindi sya sumagot at mabilis na sinalo ang ulo ko nang muntik na akong tumama sa desk sa biglang pag ikot ng paningin ko. Nag amba akong susuka pero agad ko iyon pinigilan.

Sa nanlalabong paningin ay nakita ko ang pagbahid ng pag aalala sa mukha nya.
"Kenzo.."

Gusto kong itanong..

Bakit kapag binabanggit mo ang pangalan ko, gumagaan ang pakiramdam ko?

"Gio.." Mahinang sabi ko at mahigpit na kumapit sa damit nya bago tuluyang nilamon ng kakaibang antok na hindi ko kayang pigilan.

Unraveling GIO MARFORI (COMPLETED)Donde viven las historias. Descúbrelo ahora