*****

374 19 0
                                    

Matagal nang nakaalis si Adriana pero nakatitig parin ako sa basong hawak ko habang natitigilan.

"Gio Marfori is crazy about you."

Pinuno ko ng alak ang bibig ko bago iyon nilunok.

"Tol, akyat na kami. Sunod ka nalang?" Tanong ni Lucas nang makitang umiinom parin ako. Tumango lang ako at nagsalin ng ibang alak.

Hindi ko alam kung bakit hindi parin ako nalalasing kaya nagsalin ako ng kanina pa nila iniinom na Sangria, pinuno ang baso at inisang lagok. Nagsalin ulit hanggang sa maramdaman kong pwede na akong umakyat dahil bawal umakyat ang hindi lasing.

Natawa ako at tumayo na para lang muling mapaupo nang umikot ang paningin ko. Pumikit ako at sinubukang alisin ang hilo pero parang lalo lang iyong lumala kaya umayos nalang ako ng upo at muling nagsalin ng alak.

Mariin akong pumikit at sa pagmulat ko ay ang pagtabi sakin ng isang lalaking hindi ko masyadong makita ang mukha dahil sa dilim at sa nanlalabong paningin.

"Too drunk?" Tanong nya.

Hindi ako nagsalita at ininom lang ang alak na sinalin ko.

"Gio Marfori is crazy about you."

Humigpit ang hawak ko sa baso.
Ang mga salitang yun ay nagdudulot sa akin ng kakaibang init at pagkasabik.
Makailang beses pa akong nagsalin at lumagok ng alak bago ako napapitlag nang may maramdaman akong kamay na humahaplos sa likuran ko.

"FUCK OFF-" Marahas na tabig ko sa kamay para lang biglang matigilan nang makita ko kung sino ang nagmamay-ari nun.

Kumunot ang noo ko at ilang beses na napakurap para siguruhing tama ang nakikita ko.

Kahit lasing ay lumakas ang pintig ng dibdib ko.

Hinigit ko sya sa kwelyo,
"No.." Paos na sabi ko habang sinusubukang aninagin pa ang mukha nya.
"You're not..real.."
Inabot ko ng kamay ang batok nya at kunot noong tumitig sa lalaki.

"Tell me you're not real.."

Dahan dahan ko syang hinila at siniil ng mariing halik sa labi.

But his lips..

Feels so hot and real..

Sa naisip na totoo ang nasa harapan ko ay sabik na ibinuka ko ang bibig ko at sinubukang palalimin ang halik nya nakatikom lang ang mga labi nya at wala kahit anong reaksyon

Kunot ang noo na humiwalay ako sakanya at nakaramdaman ng pagkadismaya.
"Why are you..not kissing me back?" Parang batang tanong ko sa lalaking may mukha ni Gio.

Muli ko syang hinigit at hinalikan pero itinulak nya lang ako bago malakas na hinila patayo.
"No. Not here."

Mabilis ang mga hakbang na hinila nya ako papunta sa hagdan. Pilit ko pang binabagalan ang paglakad ko dahil parang mas lalong umikot ang paningin ko sa bilis ng mga hakbang nya.

Haklit nya ako sa bewang habang pilit akong kumakapit sa leeg nya.
"Fuck, can you slow down?" Hirap na sabi ko bago nakarinig ng ilang mura mula sa mga nasasagi nya.

Pero mukhang wala syang balak na tumigil hanggang sa maramdaman ko ang pagtama ng likuran ko sa upuan ng sasakyan.

Napadaing ako at napahawak sa ulo kong nauntog.
"Are you a kidnapper or what?" Nakangiwing tanong ko habang hinihimas ang likuran.

Hindi sya sumagot at muntik nang bumaliktad ang sikmura ko nang bigla nyang paharurutin ang kotse.

Hilong sumandal ako sa upuan at nakaawang ang mga labing pilit na nagmulat.
Kung sino ang kasama ko, yun ang hindi ko na alam.

"Where are you taking me?" Mahinang tanong ko na nilalabanan ang pagpikit ng mga mata.

"To a place where I can kiss you back." May kasamang pagmamadaling sabi nya.

Bahagya akong natawa at pumikit.
Sa isip ko ay ang mukha ni Gio at kung ano ang pakiramdam ng mahalikan nya..

Ang pakiramdam ng labi nya sa labi ko..

Ang mahawakan sya nang walang pagpipigil at walang kahit anong hadlang..

"Just thinking about you kissing me back, makes me go insane.."

Unraveling GIO MARFORI (COMPLETED)Where stories live. Discover now