Chapter 15

367 18 0
                                    

Hungry Kenzo

*

Pagkarating sa 7th floor ay agad akong kumatok sa unit ni Gio. Nang hindi nya binuksan sa unang tatlong katok ko ay malakas na hinampas ko ang pinto.

"Who the fuck-"

Hindi ko pinansin ang nakasimangot nyang mukha at diretsong pumasok, nilagpasan sya at dumiretso sa water dispenser. Binagsak ko ang bag ko sa sahig at nagmamadaling kumuha ng baso, nagsalin ng tubig at sinaid ang laman.

"What's wrong?" Tanong nya sa likuran ko.

Pumikit ako at ipinatong ang magkabilang kamay sa lababo. Hinintay kong bumaba sa tiyan ang tubig na ininom ko at mawala ang bahagyang panginginig ng kamay ko at pangangatog ng tuhod.

"Shit.." Mahinang mura ko dahil parang konti nalang ay mahihimatay na ako. Namumuo na rin ang malamig na pawis sa katawan ko.

"Are you okay?" Lumapit sya sakin at hinawakan ako sa braso.

Mabilis akong tumango.

"Why are you shaking?" Pilit nya akong pinaharap sakanya kaya pilit rin akong nagmulat kahit parang pati ang talukap ng mga mata ko ay nanginginig na rin.

"Kenzo!" Malakas na inalog nya ako. Sinamaan ko sya ng tingin.

"Bakit mo ako inaalog?" Kunot noong tanong ko.

Bahagyang lumuwag ang hawak nya sakin.
"Because you're.." Sinuyod nya ako ng tingin habang naguguluhan ang mukha. Ngayon ko lang nakitang nabahiran ng ibang emosyon ang mukha nya.

"Fuck, I'm calling the doctor." May pagkatarantang sabi nya.

Napamaang ako.
"W-why are you calling the-" Pero hindi ko na natapos ang sasabihin dahil tumalikod na sya hawak ang cellphone nya.

Muli akong nagsalin ng tubig at nilagok.
Ano kayang oras...darating ang pagkain?

Nanghihinang naglakad ako papunta sa sofa at sumalampak ng upo.

Kunot noong pinanuod ko sya.
Ganon ba kasama ang itsura ko at tatawag sya ng doktor?

"Yes, he looks pale and..and he's shaking." Rinig kong sabi nya habang nakatalikod sa akin. "You're not available?! Your only job is to follow my order and now you're telling me you're not available?!"

Napalunok ako dahil sa pagsinghal nya sa kausap.

"Gio-" Tawag ko sakanya pero agad ring naitikom ang bibig nang muli nyang singhalan ang kausap nya.

"You better get your ass in here or I will cut those hands and make you forever unavailable!" Huling sabi nya bago ibinaba ang cellphone.

Lumingon sya sa direksyon ko na halos magdikit na ang mga kilay pero agad ring nawala nang makita akong nakatingin sakanya.
"How are you feeling?"

Dahil nakailang baso na ako ng tubig kaya bahagyang nabawasan ang panginginig ko.
"Medyo okay na. Hindi mo naman kailangang tumawag ng-"

"What exactly happened downstairs?" Seryoso ang mukhang naglakad sya papunta sa harapan ko.

"W-wala."

"Then why the fuck are you shaking?!" Malakas na tanong nya.

Pinilit kong tumayo at pumantay sakanya.
"Bakit mo ako sinisigawan?"

Hindi sya sumagot pero hindi rin nagbago ang ekspresyon ng mukha nyang bahagyang nakakunot ang noo.

"Gutom lang naman ako eh." Bulong ko bago umupo ulit.

"Anong sabi mo?"

"Sabi ko gutom lang ako." Medyo malakas nang sabi ko.

Lalong kumunot ang noo nya at parang hindi makapaniwalang tumingin sakin.
"Gutom ka?"

"Akala ko kasi may pagkain ka dito kaya hindi ako kumain sa bahay."

"Don't you have money?" May diing tanong nya.

"Nakalimutan ko nang bumili."

Malalim syang bumuntong hininga at tumingin saakin na para bang nakagawa ang ng isang napakalaking kasalanan.

"Wag kang mag alala, hindi naman siguro ako mamamatay dito sa bahay mo dahil sa gutom. Sa ibang lugar ko yun gagawin kung yun ang kinagagalit mo."

Bahagyang nanlaki ang mga mata nya at nabahiran ng galit ang mukha.

Napasandal ako sa sofa nang dumukwang sya palapit.
"Bastard, just die in front of me."

Napalunok ako.

Lumayo sya at lumapit sa teleponong nasa study table nya.
"Bring me foods."

Pasimple akong napabuga ng hangin pero agad ring nakaramdam ng pagkaaliw.

Ngayon ko lang napansin, parang ibang Gio ang nasa harapan ko.

Unraveling GIO MARFORI (COMPLETED)Where stories live. Discover now