*****

281 13 0
                                    

"Thank you for coming to Ilocos Norte." Sabi ng driver na naghatid sa amin sa airport.

"Thank you." Sabi ko matapos syang bigyan ng tip.

Nauna nang lumabas si Gio dahil may tumawag ulit sakanya. Hindi na rin namin nabalikan ang mga dala naming gamit sa resort na pinagdausan ng birthday ni Trey kaya tanging wallet at passport na sya lang nakuha ni Jax ang dala namin.

"Ganon ba kalala ang problema sa The Farm?" Kaswal na tanong ko nang makita syang lukot ang mukha. Ayokong magtanong sakanya nang paulit-ulit kahit pa interesado akong malaman.

"Hindi sinabi ni dad. Gusto nya lang na bumalik tayo agad."

Tinapik ko sya sa balikat at iginiya nang maglakad,
"Basta kapag nagsara ang The Farm, ibalato mo na sakin ang lahat ng tinda dun." Biro ko

Tipid syang ngumiti,
"You can have all of them, open or not."

Sa loob ko ay hindi na ako nabigla sa sagot nya.
Kung hihingin ko sakanya ang The Farm sa seryosong paraan, alam ko na hindi sya magdadalawang isip na ibigay yun sa akin, kahit pa nasa pangalan iyon ni William Marfori.

Habang nasa byahe ay hindi ko maiwasang hindi maisip si dad. Kung sakaling imbestigahan ang gambling house, siguradong madadawit ang pangalan nya.
Hanggang saan ba ang kaya nyang gawin para kay William?

Hanggang ngayon sa kabila ng mga alam kong ginagawa sakanya ng lalaking yun, hindi ko pa rin maisip kung bakit nakakaya nyang hindi kumalas sa relasyon na meron sila.

"Your father is my father's lover."

At kung paano ba iyon tinanggap ni Gio na nakikita nya araw-araw sa loob ng ilang taon nang ganon kadali.

Napapabuntong hiningang sinulyapan ko sya.
Nakapikit sya pero alam ko na hindi sya natutulog.
Paanong ang isang gaya ni William ay nagkaroon ng anak na gaya ni Gio?

Marami silang pinagkaiba...o sadyang hindi ko pa nakikita kung ano ang pinagkapareho nila?

“Ladies and gentlemen, welcome to NAIA Airport. Local time is 12:30 PM and the temperature is 26 degree celcius.."

Napamulat sya ng mga mata at lumingon sakin nang magsalita ang flight attendant.

"You didn't sleep?" Tanong nya habang sabay kaming tumatayo

Umiling ako,
"Hindi ka rin naman natulog." Tipid ang ngiting sabi ko.

Pagkalabas namin sa airport ay agad na may sumalubong saaming sasakyan na kapareho ng lagi nyang ginagamit.

"Take a cab. Ako na ang magmamaneho nito." Sabi nya sa driver na agad namang tumango at umalis.


**************

"What happened?" Tanong ni Gio sa lalaking sumalubong saamin nang makitang nakasarado ang The Farm.

"Biglang may mga dumating na pulis kanina, sir. May dalang restraining order na ipasara ang shop." Aniya

"For what reason?" Tumingin saakin ang lalaki at nag alinlangang magsalita.

"Speak!" Bulyaw ni Gio dito dahilan para mapaigtad ito.

"U-under investigation po ang gambling house."

Sumulyap sya sakin at mabigat na bumuntong hininga,
"Where's dad?" Baling nya sa lalaki

"Isinama po ng mga pulis kasama si Mr. Oliveros, under investigation
rin po sila."

Napatiim bagang ako sa narinig.
Hindi na ako nagulat na ipapasara ito. Kahit senador pa si William Marfori, ilegal pa rin ang negosyo nya.

"Where can I find him?" Tanong ni Gio

"Ibinilin nya po na sa bahay nalang daw po kayo magkita."

"Which house?"

"Sa Vineyard, sir."

Humarap sya sa akin at tinapik ako sa braso,
"Let's go." Aniya saka ako hinawakan sa braso at isinabay sa
paglakad.

Walang tanong na sumunod ako sakanya.
Kung saan sya pupunta at kung saan ang Vineyard ay wala akong ideya.

"I'll take you home first."

Umiling ako,
"Sasamahan kita." Sabi ko pagkarating namin sa kotse.

"No."

"Gusto kong makita si dad."

"But he's with my dad." Mariin nyang sabi.

Sandali akong natigilan.
Sa unang pagkakataon ay nakita ko syang galit. Sa akin, sa kagustuhan kong sumama sakanya o  baka sa kadahilanang kasama ni William Marfori si dad.

"Si dad lang ang gusto kong makita." Matigas na sabi ko.

Kunot noong binuksan nya ang kotse pero hindi agad pumasok at mahigpit lang na nakahawak sa pinto. Nasa mukha nya ang pagdadalawang isip na isama ako.

"Fine. But promise me, after seeing your dad, you will go home with me."

Matapos sumang ayon ay hinayaan nya na akong makapasok sa kotse at agad na nagmaneho paalis.
Nang sulyapan ko sya ay nakatutok lang ang pansin nya sa daan habang pabalik-balik ang pagkunot ng noo.

Napabuntong hininga ako at walang salitang hinawakan ang isa nyang kamay.

Alam kong iniisip nya ang tungkol sa pagpapasara ng gambling house. Kahit gustuhin ko man na magdiwang dahil malaking kawalan iyon kay William, ang makita syang nag aalala para sa ama nya, ay hindi ko magawa dahil damay rin doon si dad.

Napasulyap sya sa akin.
Ipinatong nya ang kamay nya sa binti ko at hinayaan akong hawakan iyon.

This is not what I planned.

Being emotionally involved with you...was never in my plan, but here I am, trying to comfort you at the moment when I should be celebrating.

Unraveling GIO MARFORI (COMPLETED)Where stories live. Discover now