𝗦𝗢𝗠𝗘𝗢𝗡𝗘'𝗦 𝗣𝗢𝗩

414 19 0
                                    

"He's starting to be curious." Sabi ni Gio sa lalaking kaharap nya.

"So what? That's your purpose, isn't it? To catch his attention."

"And you're...giving me the permission to satisfy him?"

Makahulugang tumawa ang lalaki.
"Satisfy his what?"

Napapatikhim na nag iwas ng tingin si Gio. Kahit kailan ay hindi sya naging komportableng pag usapan si Kenzo sa harapan ng lalaki.
"His curiosity."

And everything that I can satisfy.

Mula sa pagkakaupo ay tumayo ang lalaki at may kinuha sa drawer na nasa isang mesa.
Mula doon ay ilang mga litrato ng isang lalaking nasa loob ng kwarto, nakaupo sa ibaba ng kama at may hawak na isang pamilyar na halaman. Kahit nakatalikod ang kuha ay kilala ni Gio kung sino ang nasa litrato.

Inilapag ng lalaki ang mga iyon sa harapan nya.

"You're invading his privacy." May halong inis na sabi nya sa lalaki na tumawa lang at naaaliw na umupo sa swivel chair na nasa harapan nya.

"And you're not?" Tanong nito. "I have all the right to do that and I'm letting you experience it."

Hindi sya umimik at nakatingin lang sa mga litrato.
Pareho lang sila ng gustong mangyari ng lalaki. Pero magkaibang magkaiba ang intensyon.

"I know what I'm doing. Hindi mo na kailangang sundan pa sya."

"I'm not doing this for you. I'm doing this for myself and relationship." Kumuha ang lalaki ng isang piraso ng litrato at iniharap sakanya. "I can ruin all your plans if I want to. He's weak and useless. If you can't protect him-"

Malakas na ibinagsak ni Gio ang mga kamay nya sa mesa at wala sa sariling hinablot ang kwelyo ng lalaki.
"Stop it, dad!" Sa nanginginig na kamay ay mariin syang nagsalita,

"Hurt him once, I will hurt you sevenfold."

***

Unraveling GIO MARFORI (COMPLETED)Where stories live. Discover now